Ion inalala ang 'paghihiwa', paghampas sa likod tuwing Holy Week; Vhong gustong ulitin ang panatang 'penitensya' | Bandera

Ion inalala ang ‘paghihiwa’, paghampas sa likod tuwing Holy Week; Vhong gustong ulitin ang panatang ‘penitensya’

Ervin Santiago - April 13, 2022 - 11:26 AM

Amy Perez, Karylle, Ryan Bang, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Vhong Navarro, Vice Ganda, Anne Curtis at Teddy Corpuz

ISA ang Kapamilya actor-TV host na si Ion Perez sa mga namamanata tuwing ginugunita ang Semana Santa sa lugar nila sa Concepcion, Tarlac.

Naikuwento ng asawa ni Vice Ganda ang ginagawa niyang pagpepenitensiya noong hindi pa siya nag-aartista sa nakaraang episode ng “It’s Showtime.”

Aniya, tulad ng ibang binata sa kanilang lugar ang taunangvpanata niya tuwing Holy Week ay sa pamamagitan nang pagsugat o paghiwa at paghampas sa kanyang likod.

Pero ngayong taon daw, kung mabibigyan siya ng chance baka raw umuwi siya sa Tarlac para magbigay ng assistance sa mga kababayan niyang magpepenitensiya sa Maundy Thursday at Good Friday.

“Tradisyon namin ‘yung palaspas, ‘yung hinihiwa sa likod. Every Friday (Biyernes Santo) ‘yun as in habang tirik na tirik ang araw.

“Naglalakad kami tapos hindi namin alam na, kung 50 kaming namamanata, lahat kami habang naglalakad umiiyak pala kaming lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


“Parang 2018 na yata ‘yung last ko na ginawa ‘yung palaspas. Ngayon siguro ang gagawin ko kung wala kaming gagawin ni Meme (Vice Ganda) baka uuwi na lang ako at mag-a-assist ako sa mga magpapanata sa amin, ganun ‘yung ginagawa namin,” pahayag pa ni Ion.

Samantala, isa naman sa ginagawang sakripisyo o pangingilin tuwing Holy Week ay ang pag-iwas muna sa masasarap na pagkain.

Gusto rin daw niyang makapag-alay lakad muli mula Pasay hanggang sa simbahan ng Antipolo, “Parang ‘yun ang penitensiya mo lalakarin mo pero hindi mo mapapansin ang pagod kasi ang dami mong kasamang naglalakad.

“Mayroon pa rin ‘yan hanggang ngayon, pero ‘yon ang hindi ko na nagagawa kasi. Sana ulit magawa ko,” lahad pa ng komedyante.

Kabilang naman sa mga panata ng pamilya ni Kim Chiu ang pagsasagawa ng Station of the Cross tuwing Sabado at nagsisimba tuwing Linggo ng Pagkabuhay.

“Tayo naman iba-ibang panata ang ginagawa natin, ‘di tayo kumakain ng meat, naglulugaw lang. One meal a day para naman mag-sacrifice tayo sa ginagawang sakripisyo ng Panginoon para sa atin.

“So, mag-sacrifice tayo ng kahit kaunti dahil parang ‘yon ang kabayaran natin sa Panginoon sa ginawa niya sa atin sa pang-araw-araw na buhay na nandito tayo sa mundong ibabaw,” kuwento ni Kim.

Para naman sa isa pang host ng “Showtime” na si Jugs Jugueta, “Dati tumigil ako mag-coffee, mag-chicken. This year chicken ang sacrifice ko. Hindi ako kumakain ng manok until end of the Lent, Easter.”

“Ngayong Holy Week, healthy eating. Mahilig kami kasi sa chichirya,” ang sabi naman ng singer-actor na si Teddy Corpuz.

Kuwento naman ni Ryan Bang sa mga nakaugalian nila sa South Korea tuwing Semana Santa, “Tuwing Holy Week, nagsasama-sama kami. Magsisimba kami ng tatay ko. Tapos kapag dinner sasama ang nanay ko.” Catholic ang tatay ni Ryan habang Buddhist ang kanyang ina.

Ito naman ang mensahe ni Ogie Alcasid, “Ang mahalaga is that what you need to do is when you are fasting, when you give up something, you are remembering na ang kailangan mo lang talaga is Christ, that’s all you need.

“Hindi mo kailangan ng materyal na bagay, ‘di mo kailangan ng mga masasarap na pagkain, ‘di mo kailangang kumain ng marami, ‘di mo kailangang mag-gym. all you need is Christ. I guess ‘yun ang essence,” paliwanag pa ng mister ni Regine Velasquez.

Para kay Amy Perez, “Kapag Holy Week I stop and I just listen to Him kung ano ang sasabihin niya sa akin kung ano ‘yung dapat kong i-reflect, kung ano ang dapat na mas maintindihan siguro.

“Parang this time hindi ka humihingi ng something kay Lord. Parang mas kinikilala mo siya, mas inuuunawa mo kung bakit siya nagsakripisyo para sa ating lahat.

“So wala akong request, ‘yung tatahimik lang ako. I read the Bible, I teach my son to do memory verse. Tapos papanoorin mo sila ng kuwento ng buhay ni Jesus Christ para mas maunawaan nila at maintindihan nila na at the end ay all we need is Him,” dugtong pang kuwento ni Tyang Amy.

Sabi naman ni Karylle, “Every Holy Week dati nasa Subic kami nag-i-Station of the Cross kami with matching songs.

“Pero dahil nag-pandemic gumawa kami ng The Holy Rosary: Roses for Mary puwede niyo ‘yang hanapin sa Spotify. So we pray together. Ako ‘yung pinaka-biggest challenge ko inaamin ko is praying. I have such a hard time praying. So gustong-gusto ko ‘yung may guide,” chika ni Karylle.
https://bandera.inquirer.net/300028/ano-ang-kantang-nagdudulot-ng-panic-attacks-kay-agot-isidro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298837/bakit-natrauma-si-mc-muah-sa-pagse-celebrate-ng-kanyang-kaarawan
https://bandera.inquirer.net/282671/pa-birthday-ni-angel-community-pantry-sa-qc-bilang-pagpupugay-sa-bayanihan-ng-mga-filipino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending