John Lapus ipinagdarasal na makulong si Rodrigo Duterte
NAGLABAS ng saloobin ang TV host, comedian, at director na si John Lapus hinggil sa pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang X (dating Twitter) post nitong Martes, Marso 11, ni-retweet niya ang ulat mula sa Inquirer.net kung saan umaapela ang senador na si Bong Go na ipanalangin ngayon ang dating pangulo na patungong Netherlands.
“I pray na makulong,” maikling caption ni John.
Agad namang umani ng samu’t saring komento ang naturang post ng komedyante.
Baka Bet Mo: Barbie Forteza talagang mabuti ang kalooban, John Lapus isa sa mga patotoo
View this post on Instagram
Ang iba ay sang-ayon sa nais mangyari ni John habang ang iba naman ay salungat ang paniniwala.
“I am with you with this! Praying harder for this than my own desires,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Wish granted Bong Go! Pinagdasal ko na…. sana deretso na sa Hague. Tapos sana may susunod na. Para kumpleto sila.”
“Sana makulong din ang mga lantarang nangurakot para sa ayuda kuno. Sana din hindi kayo bulag sa nangyayari ngayon. Galit ba kayo kay PRRD dahil sa EJK? bakit bulag ba kayo sa mga karahasan na gawa ng mga adik?” hirit naman ng isa sa post ni John.
Matatandaang nitong Martes, March 11, kinumpirma na ng Malacañang ngayong araw na natanggap na raw ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC laban kay Duterte.
Ang sinilbing warrant of arrest sa dating pangulo ay kaugnay sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad niya ng war on drugs noong panahon ng kanyang pamumuno.
Nasa 20,322 drug suspects ang umano’y napatay sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017 batay sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.