Jake Cuenca ready nang makipag-date ulit, aamin na nga ba sa ‘real score’ sa kanila ni Chie Filomeno? Bandera

Jake Cuenca ready nang makipag-date ulit, aamin na nga ba sa ‘real score’ sa kanila ni Chie Filomeno?

Pauline del Rosario |May 04,2023
share this

Jake Cuenca ready nang makipag-date ulit, aamin na nga ba sa ‘real score’ sa kanila ni Chie Filomeno?

Pauline del Rosario - May 04, 2023 - 12:23 PM

Jake Cuenca ready nang makipag-date ulit, aamin na nga ba sa ‘real score’ sa kanila ni Chie Filomeno?

PHOTO: Instagram/@juancarloscuenca

MUKHANG handa nang magkaroon ng bagong lovelife ang aktor na si Jake Cuenca matapos ang isang taong single.

Magugunitang Noong Abril ng nakaraang taon nang maghiwalay ang aktor at ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa matapos ang tatlong taong relasyon.

Nakapanayam ng entertainment press website na Glitz PH si Jake at sinabi nga niya na ready na siyang makipag-date.

“Well, ready na akong lumabas ulit. Kasi ‘diba parang for a good year, nagsolo muna ako e,” sey niya.

Paliwanag pa niya, “So parang ni-recollect ko muna ang sarili ko at prinioritize ko muna lahat ng kailangan i-prioritize.”

“But for now, sobrang busy pa talaga ng schedule. But I can allow myself to go out again. I can allow myself to enjoy things again,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman siya kung ang susunod niyang dyowa ay makokonsidera niyang ‘the one’ na niya.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca, Mikoy Morales maghubo’t hubad kaya sa stage play na ‘Dick Talk’?

Ang mabilis niyang sagot, “Ang hirap magsalita ng patapos e. But for me, parang gusto ko lang mag-enjoy.”

Inintriga din siya kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila ng aktres na si Chie Filameno matapos mag-trending sa social media.

Ayon naman kay Jake, magkaibigan sila ni Chie kaya okay lang na maiuugnay dito.

Mukhang may pasabog ang dalawa dahil nabanggit din niya sa interview na tila may ire-reveal silang dalawa ngayong May 4 na kung saan ay magaganap ang kauna-unahang “LaHot Sexy Hot Summer Bikini Ball” ng Star Magic.

“Magkaibigan naman kasi kami…Well, may ball kasi sa May 4. Baka mas madali nalang sa May 4 nalang tayo magpaliwanag,” sambit niya.

Ani pa ng aktor, “Parang action speaks louder than words, ika nga. So mas maganda sa May 4 nalang.”

Kung maaalala, naging usap-usapan sa social media ang dalawang artista dahil agaw-pansin ang madalas na pagla-like at pagko-comment ni Jake sa mga posts ni Chie.

Related Chika:

Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daniel sa pagpapakasal kay Kathryn: Ready na ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending