Jake game maghubo’t hubad sa pelikula; umaming ‘nainggit’ kay Paulo
GAME maghubo’t hubad ang award-winning actor na si Jake Cuenca sa isang pelikula pero meron siyang mga ibinigay na kundisyon.
Sa pakikipagchikahan namin sa Kapamilya actor kamakailan ay natanong siya kung keribels ba niyang gumawa ng nude scene sa pelikula ni Brillante Mendoza.
Sagot ni Jake, “It depends on the project. Depends on the script and the project, of course, di ba? Depende lahat yun, if it also meets my expectations, standard.
“Pero kunyari I accepted the movie and that’s Direk Brillante, Direk Lav Diaz, or Direk Joel Lamangan, I would definitely, you know, consider it.
“Kasi these are the brilliant directors of our time. I have to try to at least consider that, di ba?
“And for me, like, of course, anytime na bigyan ako ng movie ni Direk Joel, parang for me at this point, that’s a blessing.
View this post on Instagram
“And if I get to work with, like, these great directors of our generation, that’s why I’ll do this for, kasi nga parang masasabi ko when I look back in the past, I’ve worked with Direk Brillante.
“For me that’s a dream come true. Kung maganda ang project, there’s no limitation for me,” tuluy-tuloy na pahayag ni Jake na bibida sa Amazon Prime series na “What Lies Beneath.”
Gaganap si Jake na preso sa naturang serye kaya naman natanong din siya kung tatalakayin din ba sa kuwento ang male rape sa kulungan?
“Alam mo, with RCD Narratives, sa unit nila, I wouldn’t be surprised,” sagot ni Jake na ang tinutukoy ay ang drama unit ng ABS-CBN under Roda Dela Cerna (RCD).
“Kasi, yung RCD Narratives, hindi sila sa takot sa ganu’n na eksena. Yung parang sa Viral Scandal namin, tungkol sa rape yung buong tema ng show.
“Hindi sila takot hawakan yung ganu’n. At kaya rin naman ako excited na bumalik sa unit nila, kasi nga, sila yung medyo mas ganu’n.
View this post on Instagram
“Yung kaya nilang i-mainstream yung indie material, if that makes sense. Yung kaya nilang gumawa ng very touchy topic at gawing teleserye at gawin siyang mainstream.
“So I’m always excited to work with them. Kasi nga, medyo bold sila in their choices,” aniya pa.
Samantala, inamin naman ni Jake na may mga project daw ang BFF niyang si Paulo Avelino na kinainggitan niya. Nagkatrabaho sila recently sa Pinoy version ng hit K-drama series na “What’s Wrong With Secretary Kim?”
“Wow! Yes, a lot, I would say yes. Parang kay Paulo, like I remember when he showed me the trailer of Fan Girl. And then I was, like, my god, sabi ko, ‘Sobrang ganda naman ng pelikulang ito! My god!’ sabi ko.
“This is what we dream about, we talk about all the time. Parang this is the kind of movie we watch. But kasi, again you know, envious but at the same time proud, you know, my best friend.
“Kasi he also won best actor for that, and rightfully so, he deserved it. But ang galing! Kasi when he showed me that trailer, it also showed me what I wanted,” aniya pa.
“Then later on in life, you know, my similar project would probably be Cattleya Killer, medyo dark. Yung parang very eerie type project.
“Di ba, greatness begets greatness? Parang great people recognize great things, di ba? And for me when it comes to Paulo, more than envy or jealousy, it’s really more like I’m proud.
“Kaya even like yung Linlang niya, di ba, with his weight loss and all that, I’ll always be loud about it kung gaano ako ka-proud sa kaibigan ko, and kung gaano ko siya chini-cheer on sa industriyang ito,” sey pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.