Andrea Brillantes may spluk ukol sa mga naging pahayag ni Ricci Rivero: Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl | Bandera

Andrea Brillantes may spluk ukol sa mga naging pahayag ni Ricci Rivero: Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl

Therese Arceo - July 02, 2023 - 03:57 PM

Andrea Brillantes may spluk ukol sa mga naging pahayag ni Ricci Rivero: Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl

NAWINDANG ang madlang pipol sa naging pasabog ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes patungkol sa dati nitong karelasyon na si Ricci Rivero.

Sa latest episode ng Marites University kung saan isa si DJ Jhaiho sa mga host, inilahad nito ang naging pahayag ng aktres matapos ang mga rebelasyon ng basketbolista.

Matatandaang nagpa-interview si Ricci sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan sinagot nito ang mga katanungan ukol sa naging paghihiwalay nila ni Andrea.

Isa na nga sa mga sinagot ng binata ay ang nag-viral na larawan kung saan nahuli siya ng dalaga na may kasamang babae sa kanyang condo.

Pagpapaliwanag ni Ricci, wala raw kaugnayan sa kanya ang naturang babae na nakita ni Andrea at kasama raw ito ng kanyang kaibigan nang bisitahin siya sa tinitirhan.

“Ang cause ng breakup, ‘yong speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl doon sa place ko,” lahad ni Ricci.

Baka Bet Mo: Parang eksena sa pelikula…Ricci nahuli ni Andrea na may kasamang ibang babae sa condo: ‘Pero hindi po sa ‘kin ‘yung girl’

“Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses. Sinabi ko sa kaniya, with all the evidences I have, na hindi sa akin ‘yong girl. May papuntang friend ako ng midnight, tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Iyon ang inabutan niya,” dagdag pa niya.

Ayon kay DJ Jhaiho, matapos raw mag-trending ng pahayag ni Ricci ay agad niyang tinext ang dalaga upang tanungin kung msy katotohanan nga ba ang mga sinasabi ng basketbolista.

“LOL. Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl… hubad sa kuwarto niya. Tulog siya (Ricci),” sagot ni Andrea.

Dagdag pa niya, “Di raw nila alam ang nangyayari at lasing sila. Di niya minention. Hindi niya minemention. Marami pa siyang hindi minention.”

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Ricci ukol sa naging pasabog ni Andrea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hugot ni Andrea sa paghihiwalay nila ni Ricci: ‘Swerte ako hangga’t kaya ko pang magmahal, at kaya ko ring mahalin ang sarili ko’

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending