Hugot ni Andrea sa paghihiwalay nila ni Ricci: 'Swerte ako hangga't kaya ko pang magmahal, at kaya ko ring mahalin ang sarili ko' | Bandera

Hugot ni Andrea sa paghihiwalay nila ni Ricci: ‘Swerte ako hangga’t kaya ko pang magmahal, at kaya ko ring mahalin ang sarili ko’

Ervin Santiago |June 13,2023
facebook
share this

Hugot ni Andrea sa paghihiwalay nila ni Ricci: ‘Swerte ako hangga’t kaya ko pang magmahal, at kaya ko ring mahalin ang sarili ko’

Ervin Santiago - June 13, 2023 - 07:24 AM

Hugot ni Andrea sa paghihiwalay nila ni Ricci: 'Swerte ako hangga't kaya ko pang magmahal, at kaya ko ring mahalin ang sarili ko'

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

PAK na pak ang Independence Day hugot ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes na may konek sa isyu ng pakikipagrelasyon.

Hindi man nagbanggit ng pangalan ang dalaga ay gets na gets naman ng madlang pipol na ang tinutukoy niya sa kanyang mga naging pahayag ay ang ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero.

Nag-perform si Andrea kahapon sa “It’s Showtime” para sa promo ng kanyang iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kasama ang dancers ng programa na Baby Dolls.

Pagkatapos ng kanyang drag performance, humirit ang host ng show na si Vice Ganda ng, “Happy Independence Day!” Na agad namang sinagot ni Andrea ng, “I know, happy Independence Day to me and to all of us! Ako lang ‘to!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sumingit ang isa pang host ng noontime show na si Jhong Hilario at sinabing may regalo raw si Andrea para sa madlang pipol. Reaksyon naman ni Vice, “Regalo? Tignan mo nga naman nakatanggap pa tayo ng regalo mula sa iyo.”

“Ganoon po ako magmahal eh,” ang hirit na tugon ni Andrea.

Samantala, game na game namang sumabak ang dalaga sa segment ng programa na “Rampanalo.” Hirit sa kanya ni Vice, “Suwerte ba si Andrea? Andrea lately may swerte ka ba?”

“Mayroon siyempre,” sagot ni Andrea. Komento naman ni Vice, “Hanggang nakangiti ka at kaya mong ngumiti ibig sabihin sinuswerte ka pa.”

Baka Bet Mo: Andrea sumusumpa na hindi pinagsabay sina Seth at Ricci: Wala pa talaga akong planong mag-boyfriend ulit, pero…

“Suwerte ako hangga’t kaya ko pa magmahal, lalo na at at kaya kong mahalin ang sarili ko, suwerte ako,” ang sabi naman ni Andrea na binigyan ng group hug ng mga host ng “Showtime.”

Sa isang bahagi ng “Rampanalo”, sinabihan siya ng contestant na baguhin ang kanyang position, muling hugot ni Andrea, “Pati dito, papalitan ako.”

Paalala ni Vice sa dalaga, “Andrea, anuman ang nangyari at anuman ang mangyayari huwag mong isipin na ipinagpalit ka. Hindi ka pwedeng ipagpalit dahil nag-iisa ka lang.

“Wala kang kapalit dahil wala kang kapantay. Ikaw ay brilyante. Lagi mong tatandaan ikaw ay brilyante at patuloy kang kikinang habangbuhay, hindi ba?” sabi pa ni Vice kay Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Sure na sure kami na knows n’yo nang hiwalay na sina Andrea at Ricci. Mismong ang aktor at basketball player ang nagkumpirma nito sa kanyang Twitter account.

“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve what’s left of our friendship.

“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations.

“I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you — for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” ang pahayag ng cager.

Matatandaang noong April, 2022 nag-propose si Ricci kay Andrea matapos ang kanyang basketball game kung pwede para maging girlfriend niya. Nag-yes naman agad ang dalaga.

B-day message ni Julia para kay Coco: Mahal ka namin…biyaya ka sa lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending