Jake nakaranas din ba ng sexual abuse sa 23 years sa showbiz?

Jake Cuenca nakaranas din ba ng sexual abuse sa 23 years sa showbiz?

Ervin Santiago - November 04, 2024 - 09:00 AM

Jake Cuenca nakaranas din ba ng sexual abuse sa 23 years sa showbiz?

Joel Lamangan at Jake Cuenca

SHOOKT din si Jake Cuenca sa mga kaso ng sexual abuse sa showbiz, partikular na ang rape case na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA 7.

More than 20 years na si Jake sa entertainment industry pero wala raw talaga siyang naranasang pambabastos at sekswal na panghaharas mula sa mga taga-showbiz.

Kamakailan ay naisampa na nga ng Department of Justice (DOJ) sa Pasay Regional Trial Court (RTC) ang kasong rape through sexual assault at two counts of acts of lasciviousness laban kina Jojo Nones at Richard Cruz, mga dating consultant ng GMA 7.

Baka Bet Mo: Alyssa Muhlach natakot sa nangyari kay Sandro: ‘I really couldn’t believe it!’

Sa pakikipagchikahan ng BANDERA at ng iba pang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kay Jake kamakailan ay natanong nga siya about this.

“For me, happily my journey in this path, never. Never. Kaya nga I see issues, parang sa Senate, medyo nagugulat ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kasi nga, for me, sabi ko, I’ve been in showbiz for 23 going 24 years, I’ve never even came close to anything like that. Never akong nalagay sa isang incriminating position. Alam ko naman, showbiz ito, you know what I mean,” simulang pagbabahagi ng aktor.

Patuloy pa niya, “Ang daming mga nangyayari, it’s still showbiz just like any industry, di ba, parang there are things that go on.”

Dagdag pa niya, “Pero ako, in 24 years, never. Never. In GMA, in ABS-CBN, in Channel 5. In Regal, in Star Cinema, in anything I’ve done, parang I’ve never had…not with the director.

“Kasi di ba, parang you’re hearing these things with creative people, ganyan. Never. Not with me. Maybe also because my line is so bold, e. Klaro ako, you know.

“I don’t know, I can’t speak for a lot of different people. But I can say for me, in 24 years I don’t have an experience (na sexual abuse),” sabi pa ng binata.

Saad pa ni Jake, “Don’t get me wrong. There’s indecent proposal, there are things like that. Pero yung na-violate ako in a work space? Never.”

Nakagawa na rin ng mga sexy movies si Jake tulad ng LGBTQ film nila ni Joem Bascon na “Lihis” directed by Joel Lamangan kung saan nagkaroon sila ng matitinding love scene. Pero  wala rin daw siyang bad experience rito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“Suwerte ko sa mga direktor na nakasama ko. Direk Joel Lamangan, kahit ganun ka-provocative ang eksena, safe ka pa rin, e.

“Kay Direk Joel kasi, parang bago niyo gawin yung ganung klaseng eksena, dahil malaki ang hinihingi niya sa yo, di ba?

“Saka kapag nakikita ko yung placement, pag nakikita yung eksena, my God! This is gonna be a very graphic sequence. Pero parang kasi the way Direk Joel does it, matsa-challenge ka as an actor,” sey pa niya

“Yung last movie namin (2022 MMFF entry na My Father, Myself), I had an option to remove itm Yung parang sabi ni Direk, ‘Jake, anong tingin mo? Kung gusto mong mag-R16, kailangan nating tanggalin.’

“Pero ako naman, kailangan ng pelikula ito. Hindi natin maikukuwento nang buo ito kung wala yun,” sabi pa ni Jake. Kaya ang ending, R-18 ang naging rating ng MTRCB sa movie.

“So kay Direk Joel, at siguro you know when it comes to scenes like that—you really have to trust the director. And bago mo tanggapin yung project, nakikita mo yung vision ng direktor, at siguro kailangan talaga yung level of respect mo, mataas.

“Kasi kunyari, kung si Direk Brillante Mendoza ang hihingi sa akin ng ganu’n klaseng eksena, I trust him, di ba? I believe in his work.

“Kumbaga, parang alam ko naman yung requirement before I get to the set, di ba? Pero yun na nga, things like these have to be discussed before you go to the set.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi siya puwede yung minadali ang eksena, ‘Okay, magla-lunch break na, gawin natin itong eksenang ito!’ Hindi puwedeng ganu’n,” esplika ni Jake.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending