Jake ayaw sa politika; muling bibida sa 2 pasabog na pelikula!

Jake Cuenca ayaw sa politika; muling bibida sa 2 pasabog na pelikula!

Ervin Santiago - October 27, 2024 - 08:20 AM

Jake Cuenca ayaw sa politika; muling bibida sa 2 pasabog na pelikula!

Jake Cuenca

MARAMI na ring nanligaw at humikayat sa premyadong Kapamilya star na si Jake Cuenca na pasukin ang mundo ng politika at magsilbi sa bayan.

Iyan ang rebelasyon ng seasoned actor nang makachikahan siya ng mga miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kahapon, October 26.

Naka-focus pa rin ngayon si Jake sa kanyang showbiz career kaya wala raw talaga sa plano niya ang sumabak sa politics tulad ng mga kapwa niya artista at ng yumao niyang lolo niya na si former MTRCB Chief Manoling Morato.

Ayon pa sa binata na nag-renew na ng kontrata sa ABS-CBN, ilang beses na siyang inalok noon na kumandidato bilang board member at konsehal.

“I can’t turn my back. Hindi ko pwedeng talikuran ’yung pangarap ko or ’yung dream ko of being this actor, this director or this…so I think, politics kasi, if you do that, naturally this will have to take a backseat and this will always be my priority.”

Baka Bet Mo: Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan

Sundot na tanong sa kanya kung tuluyan na niyang isinasarado ang pinto sa pagtakbo niya sa kahit anong posisyon sa gobyerno?

Tugon ni Jake, “I think for now. For now, I’d say yeah. But I do wish for the country, para sa bansa natin na to put the right officials there.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“Kasi ako, nararamdaman ko na kailangan ng bansa natin ’yung mga tamang tao na nakaupo talaga. So for me, parang ako, I can only speak for myself.

“Obviously, like, even if I had the heart for it na I want to help, ‘di ba, I also have to ask myself, ‘do i have the mind for it,’ ‘di ba? Can I really, really be of service to the Filipino people or my community or land, ’di ba?

“Ako naman, eh, the people can vote for whoever they wanna vote for. Ako talaga, it’s not my thing. It’s more my lolo’s thing. It’s his world and he’s made an indelible mark in politics. I don’t wish to shut that or pass that.

“Saka for me talaga, honestly, like, I’m just proud to be, you know, part of show business, be part of this industry and kung kaya kong itayo ‘yung bandera ng pagiging aktor, pagiging artist, I’m more along those lines,” ang magandang paliwanag ng award-winning actor.

Dagdag pa ni Jake, “Ako, honestly, for me, parang I know a lot of different people who are more suited in that position than myself.”

Samantala, patuloy pa rin si Jake sa pag-stand out bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa showbiz industry.

Kahit wala siyang regular na onscreen partner upang palakasin ang kanyang career, matagumpay na naitaguyod ni Jake ang kanyang stellar career bilang isang dedicated at seryosong aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


Consistent siya sa pagpapakita ng kanyang husay sa pagagnap, at nagbukas ang mga pinto para sa kanya sa dalawang monumental projects na nagdala sa kanya sa dalawang major streaming platforms.

Humigit dalawang dekada na si Jame sa industriya. Noong 2009, napansin at lalong nakilala si Jake sa kanyang papel bilang David “Dave” Garcia Jr. — isang sundalo sa telserye ng ABS-CBN na “Tayong Dalawa.”

Ang papel na ito ang nag-angat sa kanya sa kasikatan, lalo pa’t sumikat din ang show sa Asya at Africa. At sa paglipas ng mga taon, he has continued to push boundaries, taking on a diverse array of leading and supporting roles sa iba’t-ibang TV projects.

Noong 2022, muli na namang gumawa ng ingay si Jake sa action-packed teleserye na “The Iron Heart”, sa kanyang role bilang si Eros del Rio — ang central antagonist ng ikalawang season ng show.

Agad itong sinundan ng kanyang key role sa critically acclaimed thriller na “Cattleya Killer”, bago siya bumalik sa leading man status sa Viu original na “K-Love.”

At kamakailan lamang, nagbida si Jake sa Philippine adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” kasama si Kim Chiu at ang best friend niyang si Paulo Avelino.

Sa pelikula naman, marami ring impressive performances si Jake kasama na riyan ang “Mulat” (Awaken) kung saan nanalo siya ng dalawang Best Actor award: isa sa International Film Festival Manhattan noong 2014 at isa mula sa World Cinema Festival lsa Copacabana noong 2016.

At ngayon, malapit nang mapanood si Jake sa inaabangang Prime Video series na “What Lies Beneath,” na mapapanood din sa Kapamilya Channel.

Sa direksyon ni Dado Lumibao mula sa ABS-CBN business unit na RCD Narratives, umiikot ang serye sa isang murder mystery sangkot ang amin na kababaihan at dalawang lalaki, at ang karakter ni Jake ang magbibigay ng importanteng layer ng suspense at intriga sa istorya habang tumatakbo sa isip ng mga manonood ang tanong na: Siya nga ba talaga ang gumawa?

As if dominating one major platform wasn’t enough, Jake’s next project brings him to Netflix with the original film “The Delivery Guy”, mula sa direksyon ni Lester Pimentel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa thrilling, high-octane film na ito, gagampanan ni Jake ang papel ng isang ruthless mafia boss. Susundan ng pelikula ang isang ordinaryong lalaki na masasangkot sa isang extraordinarily dangerous situation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending