Chie Filomeno, Jake Cuenca ‘spotted’ na magka-holding hands

Chie Filomeno, Jake Cuenca ‘spotted’ na magka-holding hands, sila na ba?

Pauline del Rosario |February 12,2024
facebook
share this

Chie Filomeno, Jake Cuenca ‘spotted’ na magka-holding hands, sila na ba?

Pauline del Rosario - February 12, 2024 - 12:30 PM

Chie Filomeno, Jake Cuenca ‘spotted’ na magka-holding hands, sila na ba?

PHOTO: Screengrab from TikTok/@joy.evngelio4

ANO na kaya ang relationship status ng aktres na si Chie Filomeno at aktor na si Jake Cuenca?

Usap-usapan kasi ngayon sa social media ang viral video ng dalawa na makikitang spotted silang nagka-holding hands habang naglalakad sa Rockwell sa Makati.

Mapapanood sa isang TikTok post na tila naka-business wear ang dalawa at kitang-kita na nagtatawanan pa sila.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca walang balak pakawalan si Chie Filomeno: ‘she’s kinda like the one who got away from me’

@joy.evangelio4

♬ Simpleng Tao – Am Caponpon 🇵🇭🇦🇺

Sa comment section, maraming fans ang kilig na kilig at botong-boto kina Chie at Jake.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Pumupogi si @Jake [Cuenca], nasa tamang tao ka [happy face with hearts]”

“OMG! Ang lakas ng chemistry super bagay sila [red heart emojis].”

“IBA ANG GLOW KAPAG IN LOVE [sparkling, heart hands emojis] AYEEEEE, SUPPORT!”

“Masaya ako na nakikita na masaya si Chie deserve niya ‘yun!”

“Iba ang aura ni Jake gumagwapo masaya siya bagay sila [heart emoji]”

“@chiefilomeno nakakakilig kayo. Sana magkaroon kayo ng movie together o kaya teleserye [red heart emoji].”

Matatandaang Agosto ng nakaraang taon nang aminin ni Chie na nasa “dating stage” na sila ni Jake.

Sey ng Kapamilya actress, “We’re talking. Taking our time. You can say dating, of course, yes.”

Kasabay niyan ay nilinaw niya na hindi pa rin nila minamadali ang estado ng kanilang relasyon dahil may iba pa rin silang prayoridad sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung maganda kasi kay Jake is alam niya kasi where my heart is. Alam niya ang priority ko and hindi niya ako minamadali. ‘Yun ‘yon,” sambit niya.

Kung maaalala, naging usap-usapan sa social media ang dalawang artista dahil agaw-pansin ang madalas na pagla-like at pagko-comment ni Jake sa mga posts ni Chie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending