'Karug' ni Jake Cuenca pinagtripan ng netizens: 'Grabeh may pabuhok si Dadey! Sherep!' | Bandera

‘Karug’ ni Jake Cuenca pinagtripan ng netizens: ‘Grabeh may pabuhok si Dadey! Sherep!’

Ervin Santiago |November 08,2023
facebook
share this

‘Karug’ ni Jake Cuenca pinagtripan ng netizens: ‘Grabeh may pabuhok si Dadey! Sherep!’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 07:00 AM

'Karug' ni Jake Cuenca pinagtripan ng netizens: 'Grabeh may pabuhok si Dadey! Sherep!'

Jake Cuenca

PATI ang “karug” ng Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca ay pinagpiyestahan ng netizens sa social media.

Para sa hindi pa masyadong aware kung ano ang “karug”, ito ang kolokyal na tawag sa buhok ng mga lalaki sa bandang tiyan na nagkokonek sa pubic hair.

Matapos pakiligin nina Jake at Chie Filomeno ang kanilang fans sa palitan nila ng mensahe tungkol sa pagse-shave ng binata sa kanyang balbas at bigote, pinainit naman ng aktor ang Instagram sa mga bago niyang litrato.

Bukod kasi sa napakagwapo ni Jake at super hunky sa mga ipinost niyang photos sa IG ay may “pa-karug” o “pa-buhok” pa siya para sa kanyang mga social media followers.

Makikita ang binata sa ilang mga kuha na nakasuot ng mahabang pastel colored coat with matching sunglasses pa kaya naman nagmukha talaga siyang bagets na bagets.

Ang tanging caption na inilagay niya sa kanyang post ay, “New vision.”

Baka Bet Mo: Knows n’yo ba: Bakit tinawag na ‘Cupcake’ si Gardo Versoza ng mga taga-showbiz?

Kasunod nga nito, bumuhos ang iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens na karamihan ay nagsabing “yummyness” ngayon ang itsura at awra ni Jake. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“Angas!”

“Clean 100%!”

“Looking good jakeyyy!!! Miss you!!”

“My goodness!! Don’t know what to say!! Too hot to handle.”

“Grabeh may pabuhok s dadzey. Sherep!”

“Me sisiw na nkasilip!”

Baka Bet Mo: Modus ng Budol-Budol Gang buking ni Ara; binalaan ang mga kapwa negosyante

“My goodness!! Don’t know what to say!! Too hot to handle.”

“You’re not only versatile actor Idol , but the intelligent one actor that we have in your generation. Love the look. always new.”

“Yung b*lb*l, sheshhhh hahahahaha!”

“Paps I laaabbbbb these photos, grabe!”

At ang nakakaloka pa, pati ang aktor na si Gardo Versoza na kilala rin sa tawag na “Cupcake” sa social media ay hindi rin nakatiis na hindi magkomento sa photos ni Jake.

“Gayahin ko yan cupcake,” ang comment ni Gardo. Na sinagot ni Jake ng, “@gardo_versoza kaw nga idol ko cupcake eh.”

Hirit naman sa kanya ni Gardo, “@juancarloscuenca basta i know we have 1 common denominator hahahahaa labyu cupcake.”

Sabi uli ni Jake, “@gardo_versoza hahahahhahaha IDOL Talaga kita cupcake!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Na-curious naman ang netizens kung ano ang tinutukoy ni Gardo na “common denominator” nila ni Jake? Well, your guess is as good as mine. Ha-hahahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending