Maricel, Anthony ayaw sumabak sa politika; Marian may treat kay teacher
SANDAMAKMAK na artista at social media personality ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) para sa pagtakbo nila sa 2025 elections.
Kabilang na nga riyan sina Willie Revillame, Tito Sotto, Manny Pacquiao, Aiko Melendez, Arjo Atayde, Angelika dela Cruz, Sam Verzosa, Ara Mina, Alfred Vargas, Diwata, Rosmar Tan at marami pang iba.
Baka Bet Mo: Marian bet makipagbardagulan kina Glaiza at Katrina: Laban ako diyan!
Kaya naman sa guesting ng parents ni Donny Pangilinan na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong ang mga ito about politics.
View this post on Instagram
Diretsagang question ni Tito Boy, kung naisip ba nilang mag-asawa na sumabak din sa mundo ng politika tulad ng mga kapwa nila celebrities.
Mabilis na tugon ni Maricel, “No, no. Because we’ve seen how we can support people behind the scenes and mas effective ‘yun sa tingin ko.
“Nakakatulong ka dahil alam nila na may maganda kang intensyon at wala kang ginagawa para sa interest mo later on,” dagdag pa niyang paliwanag.
* * *
Mas marami na nga ang nakanood ng pelikulang “Balota” na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang magsimula itong ipalabas sa mga sinehan noong October 16.
Hindi lang ‘yan, dahil naging certified top grosser din ang Cinemalaya 2024 film sa opening week nito sa big screen. Nitong weekend nga ay nagkaroon ng surprise visit ang Kapuso aktres sa kaliwa’t kanang block screening ng kaniyang pelikula sa Metro Manila.
Patuloy na napapahanga ni Marian di lang ang kanyang mga fans, kundi pati na rin ang moviegoers na nakapanood ng pelikula.
View this post on Instagram
Komento ng isang netizen sa official Facebook page ng aktress, “I saw the film. You gave justice to the role Idol. Congrats!”
Kahit nga ang mga nakapanood na sa pelikulang ito noong Cinemalaya, pumila pa rin para sa new cut ng “Balota”. Very timely naman daw ang pagpapalabas nito dahil sa susunod na taon ay eleksyon na naman.
May handog din ang pelikulang “Balota” na special rate para sa mga guro at estudyante na nais makapanood nito sa piling sinehan.
Talaga namang ikinatuwa ito ng mga teacher Emmy at students, ha! Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, takbo na sa sinehan para manood ng “Balota”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.