Willie Revillame pinagpapahinga ni Ogie Diaz: Take a break

Willie Revillame pinagpapahinga ni Ogie Diaz: Take a break

Therese Arceo - July 23, 2024 - 07:46 PM

Willie Revillame pinagpapahinga ni Ogie Diaz: Take a break

ISANG payo ang ipinaabot ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz para sa TV host na si Willie Revillame.

Ito ay may kaugnayan sa recent issue ng TV host kung saan ipinahayag niya on air ang kanyang hinaing sa isang staff habang on air ang bago nitong show na “Will To Win”.

Sa isang episode ng “Showbiz Update” na in-upload noong Biyernes, July 19, sinabi ni Ogie na dapat raw ay maging mas pasensyoso at dapat mas mahaba ang patience niya sa mga tao sa likod ng kanilang programa.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binalaan si Rosmar, huwag maniwala kay ‘Jiro Manio’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ito naman ang payo ko kay Willie, ‘no. Habaan pa niya ang kaniyang pasensya. Otherwise he should take a break,” payo ni Ogie sa kasamahan.

Dagdag pa niya, “Magpakalma siya at palawakin pa ang kanyang pasensya. Kung hindi, baka kailangan niyang mag-pause muna.”

Matatandaang naging usap-usapan si Willie nitong mga nagdaang araw dahil sa mga naging pahayag nito buhat nang umere ang bago nitong programa sa TV5.

Una na itong naglabas ng pahayag  tungkol sa TV ratings ng kanilang pilot episode na tila pagpapatama sa naging katapat nitong Kapuso show na “Family Feud”.

Saad ni Willie, “Alam n’yo ho, nakakatuwa ang buhay. Bakit? Para sa akin, para sa akin ang tunay na ratings, kayo,” turo ni Willie sa studio audience.

“Kung may makikita kayong ipinakikita nilang ratings nila, mataas sila, hindi ho kami naaapektuhan. Kasi ang puso namin, mamigay ng saya at pag-asa sa inyo… basta kami tuloy-tuloy lang magtrabaho, dito sa TV5, aayusin namin mapasaya kayo araw-araw. At ang importante, ang show na ‘to, original. Inisip ito para sa inyo. Hindi ito binibili sa ibang bansa. Ito po ay habambuhay, ‘pag kaya namin, may programa kayo.”

Pagkatapos naman ay pinagalitan naman niya on national TV ang kanyang staff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Puwede ba tayo mag-meeting lahat mamaya pagkatapos. Diyos ko, aatakihin ako sa inyo dito… Tapos ako naba-bash. Pag nagagalit ako sa ere, mayabang, arogante?”

“Pasensya na kayo… Nahihirapan lang ako dahil pumalpak kami kanina sa writer, ‘yong FD [floor director] namin, naglakad—para malaman n’yo kung ano’ng problema namin—pumalpak ‘yong DJ, opening pa lang, sumabit na kami. Hindi n’yo nakikita ‘yan. Pag nagagalit ako sa ere: mayabang, arogante, buwisit ka, bumalik ka pa, laos ka na?” sey ni Willie.

Samntala, wala pa namang pahayag si Willie sa mensahe sa kanya ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending