Ogie Diaz binalaan si Rosmar, huwag maniwala kay 'Jiro Manio'

Ogie Diaz binalaan si Rosmar, huwag maniwala kay ‘Jiro Manio’

Therese Arceo - June 22, 2024 - 05:25 PM

Ogie Diaz binalaan si Rosmar, huwag maniwala kay 'Jiro Manio'

NAGBIGAY ng babala ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz sa businesswoman at social media personality na si Rosmar Tan tungkol kay “Jiro Manio”.

Matatandaang isang “Jiro Manio” ang nag-send ng message sa negosyante at nanghihingi ng trabaho.

Ngunit ayon kay Ogie, hindi totoong Jiro ang humihingi ng tulong sa kanya at isa itong pekeng page.

Kahit siya raw mismo ay pinadalhan ng mensahe at hiningan ng tulong ng taong nagpapanggap bilang si Jiro.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may bagong boyfriend na raw, ayon kay Ogie Diaz

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Personal nga raw na tinanong ni Ogie ang tunay na Jiro tungkol sa paghingi ng trabaho kay Rosmar ngunit dinenay niya ito.

“Rosmar, fake account po yung kausap nyong Jiro Manio. Kung sino sino po ang tsina-chat niyan. Baka mabudol ka.

“Kausap ko yung totoo, and through us, pakisabi na hindi raw siya yon. Okay ang tumulong, pero wag sa nagpapanggap na nangangailangan,” sey ni Ogie.

Chika pa niya, dinedma nita lang ang mensahe ni Jiro dahil feeling niya ay hindi ito ang totoong award-winning child actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung saan nandun ang iyong resort, yun ang bigyan mo po ng trabaho para tulong na din sa kanila. By the way, wag ka nang umasa ng public apology sa Fake Jiro. Baka fake din ang paghingi ng sorry,” hirit pa ni Ogie.

Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan si Rosmar at ang kanyang Team Malakas dahil sa ginawa nito umanong charity event sa Coron, Palawan na nauwi sa alitan nila matapos sugurin ang isang staff ng mayor.

Matapos nito ay idineklara na ang mga ito bilang mga persona non grata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending