Rosmar nag-sorry: Ang mali 'di dapat gantihan ng isa pang mali

Rosmar Tan nag-sorry: Ang mali ay ‘di dapat gantihan ng isa pang mali

Ervin Santiago - June 18, 2024 - 12:16 PM

Rosmar Tan nag-sorry: Ang mali ay 'di dapat gantihan ng isa pang mali

Rosmar Tan at Randon Labador

BURADO na ang ilang post ng controversial social media personality na si Rosmar Tan na may konek sa viral video nila ni Rendon Labador at ng isang staff ng munisipyo sa Coron, Palawan.

Ito yung nangyaring pagkumpronta nina Rosmar at Rendon sa isang empleyado ng local government ng Coron na nag-rant sa Facebook tungkol sa isinagawa nilang charity event sa lugar.

Makikita sa isang video na kumalat sa social media na sinisigaw-sigawan ng dalawang content creator ang naturang municipal employee dahil nga sa masasakit at maaanghang na akusasyon nito laban sa kanila.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Rabiya Mateo ‘tinawanan’ si Rosmar Tan: ‘Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?’

Dahil nga rito, nanawagan ang ilang miyembro ng konseho sa probinsya na patawan ng parusang “persona non grata” ang dalawang socmed personality.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosemarie Peñamora Tan (@rosmar.2021)


In fairness naman kay Rendon, agad naman siyang nag-sorry sa nangyari at sinabing wala silang intensiyong makapanakit ng damdamin. Ang gusto lang nila ay makapagpasaya at makatulong.

Sinabi rin niya na siya na lang ang patawan ng “persona non grata” ng mga opisyal ng Coron at huwag na si Rosmar, “Gusto kong malaman ninyo na hindi ko kaya na may makitang tao na nasasaktan sa paligid ko.

“Hindi deserve ni Rosmar ang masaktan at siraan, napakabuti ng pagkatao niyan. Walang ginawa yung mag asawa kundi mag isip palagi saan tutulong,” ani Rendon.

Sa FB post naman ni Rosmar, nagpaliwanag ang content creator at negosyante kung bakit na-late ang pag-isyu niya ng official statement hinggil sa isyu. Deleted na rin daw ang ilang FB status niya na may kinalaman sa kontrobersya.

Baka Bet Mo: Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan

“May isang kaibigan na nagsend sakin ng screenshot na to.

“Yes, Burado na po lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosemarie Peñamora Tan (@rosmar.2021)


“Pasensya na po sa lahat ng naapektuhan, sana naiintindihan nyo din kung bakit naging ganun ang reaction ko pero syempre ang mali ay di dapat gantihan ng isa pang mali.

“Pero ayun para di nyo na isipin na kaya ako nag post e dahil kumikita po ako sa pag content. Nope wala po kita sa pag post, sa videos reels meron pero wala naman ako pinost na reels.

“Anyway burado na mga post ko pasensya na ulit sa mga naapektuhan at nasaktan.

“P.S. late kami nakapag public apology kasi di mag tugma tugma sched namin and dapat kaming lahat na nandun ang humarap sa video at magsorry kaya po natagalan pero atleast tapos na. Back to work na. #PINAKAMALAKAS!” esplika ni Rosmar.

Sa isa pa niyang FB post mababasa ang mga katagang, “Natutuwa lang ako sa mga solid supporters ko na kahit anong mangyari andyan pa rin sa tabi ko. Literal na ROSMAR WARRIORS.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasundan pa ito ng, “Sa totoo lang lilipas din naman ang issue, pero mas pinili namin lumipas ang issue na humingi kami ng tawad sa mga naapektuhan at feeling ko un ang pinakatamang desisyon namin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending