Zeinab Harake, Rabiya Mateo 'tinawanan' si Rosmar Tan: 'Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?' | Bandera

Zeinab Harake, Rabiya Mateo ‘tinawanan’ si Rosmar Tan: ‘Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?’

Therese Arceo - March 01, 2023 - 09:21 PM

Zeinab Harake, Rabiya Mateo 'tinawanan' si Rosmar Tan: 'Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?'

MUKHANG unang araw pa lang ng buwan ay pinagpipiyestahan na agad ang mga Marites sina Zeinab Harake, Rabiya Mateo, at Rosmar Tan.

Nag-post kasi ang business owner na si Rosmar ng screenshot mula sa Instagram story ni Kim Angelo Alfonso kung saan makikitang nag-react ang dalawang kilalang personalidad sa pinagdikit na picture ni Rosmar at ng isa pang beauty product line owner na si Glenda Victorio.

“Nakakalungkot naman,” maikling caption ni Rosmar.

Makikita namang nagkwento si Zeinab sa ipinost ni Rosmar na screenshot.

“Ang lilinis n’yo, pag kayo natawa pwede pag kami hindi? Nung kami yung tumawa masama agad pero sa dami ng basher at nag hahaha react palagi sayo unbothered ka? Awit whahahaha tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?” sey ni Zebby.

Aniya, hindi naman daw sila magkaibigan o magkakilala ng personal at sino raw ang hindi matatawa gaying obvious maman daw na ginaya ang kanyang kaibigang si Glenda.

“May masama bang nasabe jan para masabe n’yong masama kami agad? Sa totoo lang tayo mga be wag kayo nagagalit di ako nagagalit pag ako yung pinag tatawanan nyo ha kaya kalma mwa,” hirit ni Zeinab.

Sinagot naman ito ni Rosmar at sinabing, “Idol pa naman kita. Naaalala ko pa nung kailangan mo ng props sa vlog mo, nag-tricycle pa ako sa Recto para maghanap ng mga kuneho. Dahil gusto ko dalhin sa’yo para makapagpa-picture man lang ako sa’yo, ending nagbago isip mo kaya di mo na kailangan ang kuneho, kaya di kita nakita. Pero inintindi ko na lang yun at inalagaan ko na lang yung mga kuneho.”

Bukod kay Zeinab ay may hugot rin si Rosmar sa beauty queen na si Rabiya na nag-haha rin sa naturang IG story.

“Naaalala ko 1 year ago, humingi ng tulong sakin ang tita mo para pasikatin ka kasi sasalang ka sa BEAUTY CONTEST at kailangan daw ng support kaya di ako nagdalawang isip na tumulong ng walang kapalit,” pagbabahagi ni Rosmar.

Si Rosmar ay ang isa sa mga kakompetensya ni Glenda sa negosyo dahil parehas ang product line ng mga ito. Sina Zeinab at Rabiya naman ay imga endorsers ni Glenda ng kanyang produkto.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng bawat kampong sangkot sa isyu.

Related Chika:
Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Zeinab Harake pinayuhan ni Willie Revillame: Dapat ‘yung anak mo mahalin ‘yung tatay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake naiyak nang makita si Marian, todo pasalamat kay Rhea Tan: ‘I love you talaga! Sobrang ganda mo!’

Zeinab Harake basag sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino; Herlene Budol, Madam Inutz, Robi Domingo nadamay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending