Zeinab Harake basag sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino; Herlene Budol, Madam Inutz, Robi Domingo nadamay na
PAINIT nang painit ang issue sa pagitan ng dalawang content creator na sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino at dumarami na rin ang mga personalidad na nadadamay.
Viral at trending sa iba’t ibang social media platforms ang bagong vlog ng manager nina Madam Inutz at Herlene Budol kung saan nagpasabog nga ito ng ilang rebelasyon.
Nagsimula ang lahat sa mga cryptic post ni Zeinab na pinaniniwalaang para raw kay Wilbert. Tungkol ito sa mga patutsada ng dalaga sa mga taong manggagamit at traydor.
May mga kaibigan daw si Wilbert na nagpapadala sa kanya ng mga social media post ni Zeinab at naniniwala sila na para raw ito sa talent manager.
“Nakita naman ninyo ang post ng aking mentor, si Momshie Zeinab,” ang simulang pahayag ni Wilbert sa kanyang vlog na ina-uploa sa kanyang YouTube channel kahapon, October 23.
View this post on Instagram
Si Zeinab ang itinuturing na isa sa mga “mentor” ni Wilbert pagdating sa vlogging, at tinatanaw daw niyang napakalaking utang na loob ito sa kapwa vlogger.
Napatunayan daw ni Wilbert na siya ang tinutukoy ni Zeinab sa mga cryptic post nito kahit wala itong binanggit na pangalan. Aniya, ang sinabi ng dalaga na “bading na akala mo inay-inay mo” sa post nito ay sapat na para masaktan siya.
Ayon kay Zeinab, wala raw dapat pagkatiwalaan sa mundong ito kahit pa ang kaibigang mong mabait kapag nakaharap subalit “ginagago” ka naman daw pag nakatalikod ka na.
Inamin naman ni Wilbert na malaki ang utang na loob niya kay Zeinab ngunit aniya, may natatanggap na bayad ang vlogger mula sa kanya. Thankful din siya dahil marami siyang nakilalang YouTubers na naka-collab niya.
Ngunit rebelasyon ni Wilbert, may mga vloggers din na gusto sana niyang maka-collab pero “hinaharang” umano ni Zeinab.
Feeling din ng talent manager ay threatened si Zeinab sa pagsikat nina Herlene at Madam Inutz sa mundo ng vlogging. Aniya pa, hindi raw basta-basta nakikipag-collab sa ibang vloggers si Zeinab “kung wala namang mapapala” rito.
“Yun ba sa tingin n’yo, good influencer ‘yun?” ani Wilbert.
Sabi pa ni Wilbert, tinawag din umano ni Zeinab na “trash” ang ilang vloggers, “Lahat ‘yan inintindi ko sa ’yo, Zeb. Ang taas at nilu-look up kita. Hindi ko alam bakit umabot tayo sa ganoon.
“There are some vloggers na nakipag-collab ako, nakita ko naman na hindi naman pala totoo yung chika niya sa akin dahil nakikita ko yung paninira,” aniya pa.
Samantala, nadamay din sa isyu ang TV host na si Robi Domingo. Ipinakita ni Wilbert ang screenshot kung saan sinabi daw ni Zeinab na hindi raw “market” si Robi kaya huwag i-collab.
Reaksyon nga ni Robi rito sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, “Oh wow, How true?”
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Zeinab hinggil sa isyung ito, pati na sa reaksyon nina Madam Inutz, Herlene Budol at Robi Domingo.
Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya
Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.