Zeinab Harake pinayuhan ni Willie Revillame: Dapat 'yung anak mo mahalin 'yung tatay | Bandera

Zeinab Harake pinayuhan ni Willie Revillame: Dapat ‘yung anak mo mahalin ‘yung tatay

Therese Arceo - November 15, 2022 - 05:08 PM

Zeinab Harake pinayuhan ni Willie Revillame: Dapat 'yung anak mo mahalin 'yung tatay
NAGBIGAY ng payo ang TV host at businessman na si Willie Revillame sa isa sa mga kontrobersyal na social media influencer na si Zeinab Harake.

Naging guest kasi ang vlogger sa show na “Wowowin” na mapapanood sa ALLTV araw-araw.

Habang nag-uusap nga sina Zeinab at Willie ay hindi naman naiwasang mabanggit ang dating karelasyon at tatay ng anak ng vlogger na si Skusta Clee.

Paglalahad ng “Wowowin” host, nagustuhan raw niya ang kanta ng Ex Battalion member na “Lagi”.

Ang naturang kantang nabanggit ni Willie ay ang isinulat niyang kanta para sa kanilang anak ni Zeinab na si Bia o Zebbiana.

Dito nga ay pinayuhan siya ng TV host na sana ay mapatawad niya ang ama ng kanyang anak.

“Yung anak mo, may tatay yan. Dapat ‘yung anak mo, mahalin ‘yung tatay kasi at the end of the day, anak pa rin niya yan at tatay pa rin siya,” sey ni Willie kay Zeinab.

Inihalintulad pa nga ni Kuya Wil ang kanyang mga naging karanasan sa pakikipagrelasyon kung saan kahit na nauwi siya sa annulment ay hindi siya sumuko at doon siya natututo sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

“At the end of the day, dapat ang puso mo, there’s always forgiveness, may pagpapatawad,” sabi pa niya.

Pero base na rin sa naging pahayag ni Zeinab noon sa isang presscon para sa kanyang brand endorsement, inamin niyang hindi siya sang-ayon na makipag-coparenting kay Skusta Clee.

“Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. Yung baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon,” sey niya.

Dagdag pa niya, “Paano ko ididikit ang anak ko sa taong hindi ako magiging kampante na kasama ng anak ko? Hindi rin ako magiging palagay. Gusto ko lang naman lahat ng best para sa kaniya.”

Related Chika:
Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake napaiyak habang nagpapasalamat sa kapatid: Siya ang nag-save sa akin, kaya itinuloy ko ang laban

Alex Gonzaga, Ivana Alawi piniling patawarin si Zeinab Harake: ‘Lahat naman ay nagkakamali’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending