Zeinab Harake naiyak nang makita si Marian, todo pasalamat kay Rhea Tan: 'I love you talaga! Sobrang ganda mo!' | Bandera

Zeinab Harake naiyak nang makita si Marian, todo pasalamat kay Rhea Tan: ‘I love you talaga! Sobrang ganda mo!’

Ervin Santiago |January 29,2023
facebook
share this

Zeinab Harake naiyak nang makita si Marian, todo pasalamat kay Rhea Tan: ‘I love you talaga! Sobrang ganda mo!’

Ervin Santiago - January 29, 2023 - 08:21 AM

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Zeinab Harake at Rhea Anicoche Tan

TALAGANG napaiyak ang content creator na si Zeinab Harake sa kanyang fan girl moment with her ultimate idol na si Marian Rivera.

Sa kanyang YouTube channel, in-upload ni Zeinab ang pagkikita nila ng Kapuso Primetime Queen kasama pa ang Kapuso Primetime Kimg na si Dingdong Dantes.

Natupad ang matagal nang hiling ni Zeinab nang makita up close and personal sa grand opening ng Beautederm Building sa Angeles City last week kung saan sina Marian at Dingdong nga ang nag-cut ng ribbon kasama ang CEO at Presidente nitong si Rhea Anicoche Tan.

“Guys, promise. Hindi ako nagba-vlog ah? Gusto ko lang mag-video. Marian Rivera yun, e. Mamaya makakamayan ko na yun, makakabeso ko pa yun, talaga naman,” chika ni Zeinab sa kanyang YouTube channel.

Sey pa ng internet at social media personality, nine years old pa lang siya ay idol na idol na niya si Marian.

Talagang sinubaybayan daw niya ang tambalang DongYan. Aniya, parang nanigas daw ang buong katawan niya nang makita ang Kapuso couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


Sabi ni Zeinab na isa ring brand ambassador ng Beautederm, naiiyak na siya sa sobrang excitement at naa-anxiety na siya sa pagkikita nila ni Marian nang personal, “Baka mabwisit siya sa akin imbis na matuwa sa unang kita.”

At nang lumabas na nga si Marian sa grand launch ng Beautederm, talagang tumulo na ang luha niya lalo pa nang yakapin na raw siya ni Marian. Ang tangi lang daw niyang nasabi kay Marian ay, “I love you talaga! Sobrang ganda mo.”

Mas lalo pa raw siyang na-happy at kinilig nang tawagin siya ng wifey ni Dong para mag-picture sila.

Todo naman ang pasalamat ni Zeinab kay Rhea Tan, “Kay Mommy Rhea, sobrang mahal na mahal kita. Hindi ko in-expect na ikaw pa yung magiging rason ng pagkikita namin ng lodi ko.”

“Marian is Marian sa puso. Forever akong magiging lodi ni Ate Yan at forever akong magiging fan girl ng DongYan, so maraming, maraming salamat Mommy Rhea Tan. Talagang nagiging inspired pa lalo akong magtrabaho at gawing tama ang direksyon ng buhay ko,” aniya pa.

Samantala, bilang paghahanda sa ika-14 anibersaryo ngayong 2023, binuksan na ang Beautéderm Corporate Headquarters kasabay ng selebrasyon ng Year Of The Water Rabbit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche-Tan (@missrheatan)


Sa humigit isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyun-milyong loyal consumers nito bilang isang industry leader sa larangan ng beauty at wellness dahil sa mga di mabilang na mga produkto nito na ngayon ay maituturing nang daily essentials na kinabibilangan ng skin at body care; vitamins at health boosters; home fragrances; mga patented merchandise; at marami pang iba.

Sa loob ng halos dalawang taon, ang buong team ng nasabing brand ay masusing pinlano ang disenyo at pagpapatayo ng nasabing headquarters sapagkat layunin nito na maging  base of operations ng kumpanya at maging isangg premier lifestyle venue sa Angeles City, Pampanga.

Sa building matatagpuan ang  corporate operations ng kumpanya gaya ng luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ng BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ng AK Studios – na isang state-of-the-art studio na angkop pata sa mga photo shoots at video productions; at ng Beauté Beanery – na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.

“It is truly a dream come true. Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beautéful difference in this world has impacted every brick, metal, and stone of this building. Hindi ko ito nagawa mag-isa, madami ang tumulong sa akin,” mensahe ni Ms. Rei.

Present sa espesyal na okasyong ito, na mayroon ding Dragon Dance ceremony, sin Zeinab Harake, Jelai Andres, Darla Sauler, Sunshine Garcia, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Quezon City District 3 Councilor Wency Lagumbay, Buboy Villar, Ning Cordero, Reina Manuel, IC Calaguas, Dr. Minnie Yao, JC Santos, Shyleena Herrera, at power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.

“Sa lahat ng ating pinagdaanan sa nakalipas na halos tatlong taon, it is my fervent prayer for all of us to pick-up where we left off in 2020 as we all rise up together hand-in-hand for a bright future that I know awaits all of us,” sabi ni Rhea.

“May we all be blessed with good fortune and may we all continue to strive and thrive in making all of our beautéful dreams come true,” aniya pa.

Zeinab Harake magiging ‘choosy’ na sa pagpili ng dyowa; Rhea Tan nakahanap ng bagong ‘baby’

Zeinab Harake super happy sa piling ng bagong dyowa; todo pasalamat sa pagmamahal, tiwala ni Rhea Tan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cassy umaming dream partner si Alden; excited na sa pagiging bagong ‘baby’ ni Rhea Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending