Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan | Bandera

Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan

Therese Arceo |March 02,2023
facebook
share this

Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan

Therese Arceo - March 02, 2023 - 04:18 PM

Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan

WALANG balak ang social media influencer at vlogger na si Toni Fowler na makigulo sa isyu nina Rosmar Tan, Zeinab Harake, at Rabiya Mateo.

Bagamat nag-send sa kanya ng mensahe si Rosmar dahil nalulungkot at nadidismaya siya matapos niyang makita ang screenshot kung saan “tinawanan” siya nina Zeinab at Rabiya ay mas pipiliin na lamang nitong huwag nang makisali sa isyu.

Nagpayo na lamang si Toni kay Rosmar na patawarin na lang ang mga kilalang personalidad at ang mahalaga ay nasa maayos na circle of friends siya.

Ipinost ni Rosmar ang screenshot ng pag-uusap nila ni Mommy Oni sa social media kaya naman marami sa mga netizens ang nag-aabang kung paano ipagtatanggol ng kontrobersyal na vlogger ang kaibigan.

Nag-post nga si Toni ng video sa kanyang TikTok account ay nilinaw na hindi siya sasali at makikipagsabungan sa isyu ng tatlo.

“Unang-una sa mga gustong pagsabungin kami, hindi po yan mangyayari. Pangalawa, kaya lang po ako nagsasalita dahil ang dami pong nagtatag sakin sa video ni Rosmar na parang nakikisali po ako.

“Yes totoo na nag-pm sa akin si Rosmar and talagang bilang ate ako talaga yung pinagkamatiwalaan niya at pinagsasabihan niya. So sabi niya ate bakit ganito? Idol ko pa naman siya. Nalulungkot ako’ ganyan. Ang sabi ko na lang sa kanya ay ‘Ang mahalaga nasa tamang circle ka.’ Ibig sabihin ko non, napapalibutan ka ng environment na katulad namin,” lahad ni Toni.

Aniya, ang payo niya lang ay sana magkabati na sila at hindi na para palalain pa ang sitwasyon.

“Sana magkabati na kayo. ‘Yun kasi ang nakikitang ko na environment na healthy kumbaga fire na yan e, di ba? Dapat maging tubig ka na para mapuksa natin ang apoy. Huwag na nating lalong painitin, palalain, paguluhin kasi ang magkaaway na, hindi na dapat pinag-aaway pa. Walang magandang maidudulot yan pero nasa sakanila pa rin yan,” sabi ni Toni.

Wala rin naman daw kapupuntahan kung ipagtatanggol niya si Rosmar dahil hindi naman siya kasali sa gulo at kaya lamang siya nagsasalita ay dahil ipinakita ni Rosmar ang screenshot ng pag-uusap nila at tina-tag siya nang maraming tao.

Chika pa niya, wala naman daw masamang tinapay si Toni at ang sinabi niya ay ang mahalaga, nasa tamang circle of friends si Rosmar at ang advice niya ay sana maging maayos na ang lahat sa pagitan ng tatlo.

Tila may pasaring naman ang social media influencer patungkol sa “bayaran” at nilinaw niyang wala siyang natanggap na bayad at hindi siya nagpabayad sa naging guesting nito sa nagdaang concert ni Rosmar sa Araneta Coliseum bilang tanda ng pagsuporta.

“Hindi po talaga ako nagpapabayad. Wala pong binayad si Rosmar kahit piso o kahit na anong favor as in literal na wala. Wala rin akong hiningi,” sey ni Toni.

Dagdag pa niya, “Yun ang totoong suporta, ‘yung walang bayaran. Kasi nga ang eksena talaga ng ganyan ay magulo. Ayoko ng magulo, alam n’yo naman ayoko ng bayaran. Ayoko ng ganyang collab. Gusto ko lang mag-send ng good vibes.”

Inulit pa ni Toni na hindi mangyayari na sasali siya sa gulo unless siya mismo ang kantiin ng mga tao.

“Anuman ang sabihin ng iba, ng maraming tao… na mayabang ka. Kahit anong sabihin nila sayo dahil flex ka nang flex kung anong meron ka na naabot mo ngayon, tuloy mo lang.

@mommytonifowlerofficial @ROSMAR love ka ni Ate Toni ❤️ #pinakamalakas ♬ original sound – Toni Fowler

“Kasi ang mahalaga naman dyan ‘yung makikita natin ‘yung bright side kahit anong bali-baliktarin nila, ikaw si Rosmar, ikaw ang pinakamalakas dahil wala kang masamang tinapay sa iba kundi ang makatulong sa kapwa mo Pilipino,” mensahe ni Toni kay Rosmar.

Sey pa niya, “Huwag ka nang pumunta sa gulo… Maganda ka nung concert mo at meron ka pang masayang pamilya.

Matatandaang nagsimula ang isyu matapos i-post ni Rosmar ang screenshot kung saan makikitang nag-“hahaha” sina Zeinab sa pinagkukumparang larawan nila ni Glenda dela Cruz. Nag-comment naman si Zeinab sa naturang post at doon na nagsimula ang sunud-sunod na post ni Rosmar ukol sa kanyang pagkadismaya.

Related Chika:
Zeinab Harake, Rabiya Mateo ‘tinawanan’ si Rosmar Tan: ‘Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

TikTok account ng socmed influencer na si Rosmar na may 14-M followers na-ban; Miss U 2022 libreng mapapanood

Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending