Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata | Bandera

Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Pauline del Rosario |February 20,2023
facebook
share this

Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Pauline del Rosario - February 20, 2023 - 04:39 PM

Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

PHOTO: Instagram/@tonifowlerpo

MUKHANG planong gumawa ng bagong music video ang social media influencer at vlogger na si Toni Fowler.

Pero ito naman daw ay para sa mga bata, ‘yan ang sinabi mismo ng vlogger sa social media.

Sa isang Facebook post, ibinandera ni Toni ang isang screenshot ng naging conversation niya at ng isang concerned parent dahil sa kontrobersyal niyang music video na “MPL.”

Inihayag ng magulang ang kanyang saloobin sa inilabas na music video, lalo na’t fan na fan siya ng kanyang anak.

Sey niya, “Una natakot ako. Iniisip ko anak ko. Sobrang idol ka niya e. As in dumating sa point na nakikipag-away siya pag usapang Toni Fowler at Toro Family.”

Gayunpaman ay naging responsable daw ang kanyang anak at mas piniling hindi ito panoorin.

Chika niya, “I asked him, ‘pinanood mo ‘yung kay Toni F na MPL?’ Sabi niya, ‘Hindi, bakit ba wala naman siya ginagawa sayo.’”

“Diba pati ako? Aawayin niya din para sayo [laughing emoji] Anyways Mommy Oni, thank you for making my son happy,” aniya.

Agad naman siyang nireplyan ni Toni at pinuri ang kanyang anak dahil sa pagiging responsable na bata.

“Nakakatuwa na bata palang siya ay may sarili na siyang utak para sundin ang age restriction at hindi panoorin ang for adult content only, sey ng vlooger.

Dagdag pa niya, “Please gabayan niyo po siya sa panonood. Naglalagay naman po ako ng ‘disclaimer’ pag hindi para sa mga bata pero kailangan pa rin niya ng gabay niyo [folded hand emoji].”

Dahil daw diyan ay balak na ring gumawa ni Toni ng mga pambatang content para sa mga fan niya na nasa murang edad pa lamang.

Lahad ng socmed influencer, “dibali gagawa din po ako ng mga contents na pwede niya panoorin para happy siya [red heart emoji]”

Kung maaalala ay nag-trending ang nasabing music video kamakailan lang dahil sa pagiging malaswa at wild interpretation nito sa mga babae sa tuwing nalalasing.

Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa naturang video ni Toni lalo na’t napapanood ito sa YouTube at accessible sa mga bata at menor de edad na gumagamit nito.

Bukod pa rito ay usap-usapan rin ang mga kasama ni Toni sa music video na buntis at ang kapatid nitong menor de edad.

Related chika:

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023

Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending