Liza umeksena sa MV ni Bright Vachirawit, hirit ng fans: ‘Kabog!’
MARAMING fans ang napa-wow at nagulat sa bagong proyekto ng aktres na si Liza Soberano.
Magkakaroon kasi siya ng special appearance sa upcoming music video ng sikat na Thai actor-singer na si Bright Vachirawit na nakatakdang i-release sa November 8.
Sa Instagram, ibinandera ni Bright ang ilang behind-the-scenes photos para sa bago niyang single na “Long Showers” at makikita ang ilang intimate na eksena nila ni Liza.
May litrato na basang-basa sila sa ulan na halos magkayakap at magkadikit pa ang kanilang noo.
Bukod diyan, may picture rin sila na makikitang nakasandal si Liza sa isang kotse at nasa harap niya ang Thai celebrity.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa relasyon daw nina Liza at Jeffrey Oh: Basta happy sila!
View this post on Instagram
Isang araw pa lang uploaded ang nasabing post, pero umaani na ito ng halos kalahating milyong likes sa IG.
Maraming Pinoy fans pa ang tuwang-tuwa dahil nagsama sa isang proyekto ang pareho nilang idol.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Literal na sana all kay Liza [crying emoji]”
“Kaboggg ayaw patalo ni Liza!”
“Wow with our very own Liza, this is so nice [smiling face with heart eyes emoji].”
“Can’t wait, Liza and Bright [smiling face with heart eyes emojis].”
Nagkaroon ng big break si Bright nang bumida sa 2020 Thai Boys’ Love (BL) series na “2gether” katambal si Win Metawin.
Kung matatandaan, taong 2022 nang bumisita ang dalawa sa Pilipinas bilang parte ng “Shooting Star Tour.”
Samantala, si Liza naman ay kasalukuyang pine-pursue ang acting career sa Hollywood.
Nitong taon lamang nang magkaroon siya ng international on-screen debut at tumampok sa Hollywood horror comedy film na “Lisa Frankenstein.”
Bukod sa Hollywood career, abala rin ang aktres sa ilang modeling at endorsements sa Asya.
Matapos umalis sa talent agency na Careless Music, siya ay pumirma sa Singapore-based management group na WILD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.