Sigaw ng Pinoy fans: ‘BrightWin Manila Live’ pasabog, walang filter
PUWEDE nang ulit-ulitin ng fans ang saya at kilig sa tinaguriang best virtual fan meet ng Thai stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na “BrightWin Manila Live: The Virtual Fan Meet”
Mapapanood na kasi ito nang buo sa iWantTFC na talagang handog ng ABS-CBN sa lahat ng sumusuporta asa tambalang BrightWin.
Mabibili ng fans sa Pilipinas ang pay-per-view pass sa iWantTFC wesite (iwanttfc.com), at maaari na rin itong ulit-ulitin sa loob ng pitong araw pagkatapos mabili.
Espesyal para sa maraming BrightWin fans ang naturang event dahil umano sa Pinoy flavor ng show.
Bukod sa performance ni Bright ng “With A Smile” ay may mga parol ding dekorasyon sa stage at jeep sa opening number ng dalawang aktor.
All-out din ang Thai stars sa performances nila at game na game sa pagsagot ng mga tanong mula sa fans mapapersonal man o tungkol sa kanilang karera.
Dahil sa mga sorpresa ng show, maraming fans ang nagkomentong ito nga raw ang “the best” na fan meet ng dalawa.
Sabi ng Twitter user na si @hahappiest, “You know what’s best about this fan meeting? it’s because we were able to know the real BrightWin. It feels like it’s not a fanmeeting, it’s like an open forum. They answered a lot a questions whole-heartedly without any hesitations. BRIGHTWIN IS REAL.”
“I will rewatch it 10000000000 times! I still can’t process this! I will never! This is sooo unexpected everything about this fanmeet is AMAZING!” sabi naman ni @brightwinvid.
“Sa totoo lang yung #BrightWinManilaLIVE yun pinaka the best sa lahat ng fan meet na BrightWin na napanuod ko. Ang happy nya lang tas walang filter! Ang daming ganap na di mo expected… Pasabog ganon!” post ni @edgeshopmanila.
I-download ang iWant TFC app (iOs at Android) o panoorin ito sa mas malaking screen sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices, at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas.
* * *
Lalo pang pinagtibay ng ABS-CBN ang pangunguna nito sa paggawa ng mga palabas sa digital matapos tanggapin ang ikalawang Diamond Creator Award mula sa YouTube.
Dumating ang diamond play button ng ABS-CBN News noong Nobyembre, tatlong buwan matapos sumampa sa 10 milyon ang mga subscriber nito. Sa kasalukuyan, mayroon nang 11 milyong subscriber ang ABS-CBN News channel sa YouTube at higit sa 6.7 bilyong lifetime views.
Unang tumanggap ng Diamond Creator Award ang ABS-CBN noong 2018 para sa ABS-CBN Entertainment channel na mayroon nang 31.6 milyong subscribers at mahigit 38.8 bilyong lifetime views. Ito ang unang YouTube channel sa bansa na nakakuha ng 30 milyong subscribers, at ikalawang pinakamaraming subscribers sa Asya. Pagdating sa dami ng views, ikasampu naman ito sa buong mundo, base sa datos noong Oktubre.
Mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN News ang iba-ibang ulat, dokumentaryo, at livestreaming ng mga programa at plataporma ng ABS-CBN News tulad ng “TV Patrol” at mga palabas sa TeleRadyo at ABS-CBN News Channel (ANC). Mas malawak na ang naaabot nito ngayon matapos buksan sa buong mundo ang panonood ng content sa channel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.