Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023 | Bandera

Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023

Therese Arceo |February 14,2023
facebook
share this

Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2011 x 2023

Therese Arceo - February 14, 2023 - 11:48 PM

Toni Fowler ibinandera ang mga larawan nila ni Vice Ganda: 2012 x 2023
IBINAHAGI ng social media influencer turned artista na si Toni Fowler ang larawan nila ni Vice Ganda na kuha noon at ngayon.

Ang mga naturang larawan ay kuha noong back-up dancer pa lamang ang vlogger sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” at ang isa naman ay noong mag-guest sila para i-promote ang teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo”.

“Hindi ko talaga napigilan luha ko sa live. For almost 3 years nag trabaho ako sa Showtime bilang BACK UP DANCER tapos ngayon nakabalik ako pero bilang guest na ARTISTA,” saad ni Toni sa caption.

Naging emosyonal nga ang vlogger dahil hindi niya akalain na makakabalik siyang muli sa programa at bilang artista na dahil parte siya ng teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


Labis labis nga ang kanyang pasasalamat sa actor-director na si Coco Martin dahil sa ibinigay nitong oportunidad sa kanya.

Chika pa ni Toni, lumabas na raw ang totoong itsura niya noong hindi pa siya nagpaparetoke.

Marami naman ang pumuri sa kanya at mag-congratulate sa bago niyang achievement na nakamit.

“Am so happy for you Toni!” comment ni Karen Davila.

Saad naman ng isa, “Realtalk mii, Mas bet ko un itsura mo nung wala pa retoke sa feslak mo. But I’m not against sa retoke, you’re beautiful pa din naman kahit gawa na ung iba. Happy for you!”

“Toni noon pa man maganda kana. Lalo ka lang gumanda ngayon kase super happy ka lalo na sa life mo. Yung retoke nagdagdag lang yan ng happiness mo kaya ka super na gumanda. Grabe nakaka proud ka,” sey naman ng isa.

Hirit pa ng isa, “Super gandang ganda na ako sa kanya noon pa at pakasexy nya din talaga..kaya di ko nagets mami Toni why mong kinailangan magparetoke but anyway lablab pa din kita.”

Gaganap si Toni bilang “Cheeky”, ang bessy ni Mokang (Lovi Poe) na magdadala sa kanya sa ligaw na landas.

Related Chika:
Toni Fowler ‘dinibdiban’ si Alex Gonzaga, ibinunyag ang kandidatong sinusuportahan

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending