Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger | Bandera

Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Therese Arceo |July 26,2022
facebook
share this

Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Therese Arceo - July 26, 2022 - 02:42 PM

Toni Fowler nakatanggap ng P32-M  worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

KABOG na kabog ang birthday gift na natanggap ng vlogger at social media influencer na si Toni Fowler mula sa kanyang dyowang si Vince Flores.

Ito ay ibinahagi ng vlogger nitong Linggo, July 24 sa birthday vlog na in-upload niya sa kanyang YouTube channel.

“Sa totoo lang guys ayoko sana magkaroon ng agaw-eksena kaya lang grabe yung regalo ng ex so dapat hindi ako magpapatalo,” saad ni Vince.

Ang regalo ng ex-boyfriend ni Toni na si Rob Moya ay isang arcade na labis na nagustuhan ng vlogger.

Ani Vince, matagal na raw niyang pinag-iisipan kung ano nga ba ang dapat niyang iregalo sa kasintahan dahil minsan nitong nasabi na gusto nito ng sasakyan na parang bahay na rin sa loob.

Nagpatulong pa nga ito sa kaibigan nila kung ano nga ba talaga dapat ang iregalo para sa minamahal pati na rin sa anak nito.

Bago tuluyang ibigay ang kanyang regalo kay Toni, nagkwento muna ito tungkol sa kanilang relasyon.

“Pumasok ako sa isang relasyon na mommy na siya and itong regalo ko na ‘to like hindi lang din para kay jowa kundi para kay baby rin,” sey ni Vince.

Nang iabot niya ang paperbag at nang mabuksan ito ni Toni ay nagulat ito nang puro pera ang laman nito.

“Ayoko sanang sabihin kung magkano ‘to, hindi ako para mag-flex. Ang regalo ko sayo mommy is life insurance at ang beneficiary doon ay si Tyronia,” naiiyak na sabi ni Vince.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi para sa akin walang kahit anong materyal na bagay na makakatumbas para sa future ng mag-ina ko. So, life insurance na nakapangalan sayo ang beneficiary si Tyronia para kapag dumating yung panahon na mawala man tayo sa mundong ‘to, meron si baby na mapupunta sa kaniya.”

Ang paperbag ay naglalaman ng P1 million bilang paunang bayad ni Toni sa kanyang insurance policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)

“Pasensya ka na kung ayan muna yung mahuhulog ko ngayon pero ayan yung birthday gift ko sayo, syempre kay Tyronia rin,” dagdag pa niya.

Ang nag-explain naman ng nilalaman ng napiling policy ni Vince para kay Toni ay ang malapi nilang kaibigan.

Ayon dito ay worth P32 million nga ang napiling insurance policy ng vlogger para sa kanyang dyowa at kung sakali mang may mangyari sa kanila ay siguradong magiging maayos pa rin ang buhay ni Tyronia dahil siya ang nakalagay na benipisyaryo ng vlogger.

Matatandaan na noong Mayo 2022 namg opisyal na maging in a relationship ang dalawa matapos ang kanilang mahabang ligawan na naging bukas naman sa kanilang mga supporters dahil naikukwento naman nila ito sa kanilang vlogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Toni Fowler ‘dinibdiban’ si Alex Gonzaga, ibinunyag ang kandidatong sinusuportahan

Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending