Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay' | Bandera

Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Ervin Santiago |June 01,2022
facebook
share this

Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Ervin Santiago - June 01, 2022 - 09:21 AM

Toni Fowler

PASABOG kung pasabog ang naging rebelasyon ng YouTube vlogger na si Toni Fowler tungkol sa naging relasyon nila noon ni Ex Battalion member Jon Gutierrez o mas kilala bilang si King Badger.

Makalipas ang tatlong taon, ngayon lang nagsalita ang social media influencer hinggil sa chika noon na siya ang third party sa hiwalayan ng dating mag-asawa na sina Jon at Jelai Andres.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa sikat na vlogger, nagsimula ang love story nila ni Jon noong 2016 at ang alam daw niya that time ay single ang rapper at walang sabit.

“Nu’ng time na nagpalitan kami ng mga sexy videos, hindi kasi hindi naman sila ganu’n kakilala noon, eh. Hindi rin ako ma-social media pero siyempre maraming nagsasabi na imposible kasi kilala sila.

“Hindi talaga eh, kasi galing ako sa puro trabaho tapos bigla ko siyang pinasok. So nung nalaman ko tinry ko lumayo. Pero ang pinakamalaking maling ginawa ko sa buhay ko is nag-comfort ako ng bagong break up.

“Ang sabi kasi break, eh. Nu’ng time na tumira sa akin yung lalake, sabi ko sa kanya, ‘Bakit magwawala yung babae kung break na kayo? Sabi mo para na lang sa sponsors, para na lang sa Facebook kaya kayo eh.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


“Kaya ako naman si uto-uto, siyempre ilang taon pa lang ako nu’n, naniwala ako na mahal ako nito. Naniwala ako. Ang tanga ko, eh. So, pinaalis ko talaga siya nu’n. May mga saksi talaga nu’ng sinabi ko na ‘Umuwi ka na du’n sa babae kasi parang kayo, eh. Sinungaling ka.’ Tapos lumuhod siya sa akin. Hindi ko makakalimutan yun.

“Magsasalita na talaga ako kasi ang tagal kong nanahimik diyan. Three years akong nilubog ng isyu na yan,” pag-amin ni Toni.

Pagpapatuloy ni Toni Fowler, “Lumuhod siya, ang sabi niya sa akin, ‘Pasensiya na kung nadamay ka. I’m very sorry.’ Tapos iyak ako nang iyak. Tapos sabi niya, ‘Puwede ba may pakiusap ako sa iyo? Puwede bang walang makakaalam ng totoong nangyari? Wala kang sasabihin, puwede bang tumahimik ka lang?’ Nanahimik ako. Three years.

“Alam mo may nangyari pa nga na ipinost niya yung girlfriend niya nu’ng time na yun, ipinost niya na nakapang-wedding dress. Ang caption niya, ‘Ikaw talaga ang babaeng dapat pakasalan.’ Nag-message ako. Sabi niya kasi, ‘Gustung-gusto ko na bumalik sa ‘yo. Para lang ito for fame, for our projects, kasi bayad kami dito. Hindi na talaga kami okay.’

“So nahihirapan siya. Kasi may part na kahit pinaalis ko siya, parang naniniwala pa ako. Tanga ko talaga. Madiin tanga, inutil, uto-uto. Kaya nu’ng time na yun sabi ko, ‘Ano ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi naman ako nag-post niyan. Siya eh.’ Naniniwala pa rin ako,” dire-diretsong pahayag ni Toni.

Dito na nga niya na-realize na dapat na niya itong tigilan at tuluyan nang bumitaw sa nasabing relasyon, “Bago pa lang sila ikasal, bago pa nangyari yun, parang isang buwan, dalawang buwan mula nu’ng umalis siya sa akin, naisip ko ay parang tama na ‘to, kalokohan na ‘to.

“Nagpalit ako ng number. Pinutol ko talaga lahat ng communication ko sa kanya. Lahat ng naging barkada ko na mga social media artists na nakasama namin na walang nagsalita para ipagtanggol ako, pinutol ko,” rebelasyon pa ng vlogger.

Ang pinakamasakit daw na nangyari sa kanya bukod sa pamba-bash ng netizens ay nang pagbantaan na ang anak niyang si Tyronia.

“Nasaktan ako nu’ng may nag-post na ng picture ng anak ko. Tapos sinabi na, ‘Sana ma-rape yung anak mo,’ mga ganu’n. ‘May anak ka ng tao, ganyan ka pa.’ Parang pakiramdam ko may bumubulong na sa utak ko na parang wala akong kuwentang nanay. Parang dapat mamatay ka na lang eh. Kahihiyan ng anak mo yung mga ginagawa mo.”

Aniya pa, “Kasalanan ko rin, eh. Hindi ko expected na ganu’n. Nagtiwala ako agad sa mga kasama ko. Walang nagsalita. Nakikiusap ka. Tinray ko patayin yung sarili ko. May kinuha akong blade. Puro ako dugo nu’n, parang bahala na. Parang mamatay na lang ako. Kasi may bumubulong na sa akin, eh. Para na akong nabubuang.

“Three days akong hindi kumain pero nagtutubig ako. Puro lang ako yosi nu’n. Tapos parang may bumubulong sa akin na ‘Mamatay ka na lang. Wala ka namang kuwentang nanay, eh. Kasi kalalakihan yan ng anak mo. Once na nasa internet na yan, nasa internet na yan.’

“Naospital talaga ako nu’n. Na-stitch yun. One month akong may alcohol problem. Inom ako nang inom. Ang nakakainis pa, nu’ng naglaslas ako, habang nasa gimikan ako, pupunta pa talaga yung lalake.

“Pagkatapos niyang magpa-tattoo ng malaking mukha nu’ng babae, sasabihin niya ako pa rin talaga. Gaganu’n siya. Iiyak na lang ako kasi lasing ako, eh. Pinupuntahan pa niya ako sa trabaho ko. Kaya parang gulong-gulo yung utak ko,” lahad ni Toni.

Parang nahimasmasan daw siya nang sabihin ng ate niyang si Marie na ipapasok na siya sa rehab, “Nu’ng sinabi ng ate ko na, ‘Toni, iri-rehab na kita kasi araw-araw ka na nag-iinom.’

“Akala ko kasi yung rehab mga addict lang, eh. Hindi pala. Kasi paggising ko iinom ako. Tapos mamaya wala akong kinakain iinom ako ulit.

“Gusto ko matulog. Ayokong mag-cellphone. Ayokong mabasa yung sinasabi ng mga tao. Pero ang pinakamasakit kasi du’n nanahimik ako, di ba?

“Nawalan ako ng shows, nagalit sa akin manager ko, maraming mga ayaw sa akin. Pero yung nakasira ka ng relasyon ng iba, personal, iba yun. Mali eh. Kasi bilang babae hindi ka dapat nananakit ng kapwa mo babae,” aniya pa.

Taong 2019 nang muli raw silang magkita ni King Badger, “After three years bigla siyang nagpakita sa tapat ng bahay namin. Du’n ako nagsalita. Isipin mo after three years biglang nandiyan siya kasama ang barkada niya. Ikinasal na siya at lahat.

“Alam mo natawa na lang ako. Kasi pagkakita niya ang unang tanong niya sa akin, ‘Nagpagawa ka ulit ng boobs?’ Sa isip-isip ko, ‘Kasal ka na, suso ko pa rin nasa isip mo?’

“Hanggang sa kumalat ulit yun na nagpunta siya. Hindi ko alam anong nangyari. Kumalat na pinuntahan ako. Pero marami ng dagdag-bawas na nakipag-check in ako, na kailangan na akong makasuhan kasi may asawa na yung tao. Hanggang sa ayun na, nag-live na kami. Nag-away-away na kami. Lumabas na yung scandal ko, yung video ko. Inamin ko lahat,” sabi ni Toni.

Marami raw siyang realizations sa lahat ng nangyari sa kanila ng rapper, “Natutunan ko na kailangan bilang babae, huwag ka mananakit ng kapwa mo babae. Pangalawa, huwag kang magko-comfort ng lalakeng galing sa breakup.

“Kasi puwedeng panakip-butas ka lang. Hindi lahat ng ipinapakita niyang pagmamahal ay totoo. Puwede kasing kailangan ka lang, yung ganu’n. Huwag mo rin masyado palakihin yung mundo mo. Kasi yung sobrang laking mundo, madaming mga tao diyan na sisirain ka talaga,” mensahe pa ni Toni.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Jon hinggil sa naging rebelasyon ni Toni.

* * *

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

* If you or a loved one is in need of help, the National Center for Mental Health (NCMH) has trained respondents to properly deal with those in need. Contact the hotline at 0917-899-USAP (8727) / 0917-989-8727. You can also contact HopelinePhilippines at (02) 804-HOPE (4673), 0917 558 HOPE (4673), 2919 (Toll free for Globe, TM).

Toni Fowler ‘dinibdiban’ si Alex Gonzaga, ibinunyag ang kandidatong sinusuportahan

Toni Fowler sinabihang ipalaglag ang kanyang baby: Iyak ako nang iyak tapos itinakwil nila akong lahat…

Kilalang vlogger, 50 iba pa natiketan matapos lumabag sa health protocols

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending