TikTok account ng socmed influencer na si Rosmar na may 14-M followers na-ban; Miss U 2022 libreng mapapanood | Bandera

TikTok account ng socmed influencer na si Rosmar na may 14-M followers na-ban; Miss U 2022 libreng mapapanood

Ervin Santiago |January 11,2023
facebook
share this

TikTok account ng socmed influencer na si Rosmar na may 14-M followers na-ban; Miss U 2022 libreng mapapanood

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 08:00 AM

TikTok account ng socmed influencer na si Rosmar na may 14-M followers na-ban; Miss U 2022 libreng mapapanood

Celeste Cortesi at Rosmar Tan

NA-BAN ang TikTok account ng social media influencer at negosyanteng si Rosmar Tan nitong nagdaang weekend.

Ang TikTok account ng CEO at President ng Rosmar Skin Essentials ay may 14.1 million followers na kaya naman talagang nakapanlulumo nang ma-ban ito.

Ayon sa team ng sikat na TikTokerist, may nag-mass report daw sa kanyang account. Aniya, posibleng may kinalaman ito sa patuloy na paglakas ng kanyang skin care brand kaya kinaiinggitan ng mga competitors.

Agad namang umapela si Rosmar at ang kanyang PR team sa TikTok philippines at pati na rin sa head office nito sa China.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rosemarie Peñamora Tan (@rosmar.2021)


At dahil sa effort ng Rosmar Team, naibalik na nitong nagdaang Lunes ang kanyang account kaya tuluy-tuloy na ang mga paandar at pasabog nila para sa kanilang mga followers.

Hindi rin nagpasindak si Rosmar sa banta at pagpapa-ban sa account niya last Friday ng umaga dahil mabilis silang nakapagbukas ng temporary account sa TikTok with the same name at sa loob lamang ng tatlong araw umabot na agad sa 400,000 ang kanilang followers.

* * *

Mas maraming Pinoy ang makakapanood ng laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 dahil ipapalabas sa iba’t ibang ABS-CBN platforms ang ika-71 edisyon ng pinakainaabangang pageant sa buong mundo.

Mapapanood nang live ang kompetisyon sa New Orleans, Louisiana sa Enero 15 (Linggo) simula 9 a.m. sa A2Z Channel 11 sa free TV, sa Kapamilya Channel at Metro Channel sa cable TV, o online sa iWantTFC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)


Tiyak na mas marami ang makakasuporta sa pambato ng bansa na si Celeste. Umangat siyang kampeon ng Miss Universe Philippines 2022 noong Abril matapos masungkit ng samu’t saring parangal kabilang ang Miss Photogenic at Best in Swimsuit.

Sa kanya kaya maipapasa ang korona na hawak ngayon ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India? Nasa 85 beauty queens mula sa iba’t ibang bansa ang makakaharap ni Celeste para sa titulo ng Miss Universe 2022.

Cassy umaming dream partner si Alden; excited na sa pagiging bagong ‘baby’ ni Rhea Tan

Mike Tan shocked pa rin sa pagkamatay ni Phillip Lazaro; inalala ang ‘nakakadiring’ eksena sa taping

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending