Mike Tan shocked pa rin sa pagkamatay ni Phillip Lazaro; inalala ang ‘nakakadiring’ eksena sa taping
HANGGANG ngayon ay shocked pa rin ang Kapuso actor na si Mike Tan sa pagkamatay ng Kapuso comedian at direktor na si Phillip Lazaro.
Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang itinuturing niyang mentor at kaibigan sa showbiz.
Idinaan ni Mike sa kanyang Instagram page ang pagdadalamhati at pagluluksa sa pagpanaw ni Phillip na una niyang nakatrabaho sa Kapuso series na “Nagbabagang Luha” noong 2021.
Nag-post ang aktor ng litrato ng komedyante kalakip ang kanyang madamdaming mensahe.
“Di ko alam kung saan sisimulan…
“Nalulungkot ako dahil umasa akong makakatrabaho kita ulit ngayong darating na Agosto. Pero masaya din ako dahil naging kaibigan kita kahit sa maikling panahon.
“Naalala ko noong lock-in taping, pinlano niyo ni Rayver na i-kiss niya ko sa isang madramang eksena. Dami mong kalokohan, direk!
“Pero naaalala ko rin na nung minsang kumakain tayo, napasabi ka ng ‘Nakakawala ka ng crush, Mike Tan, kadiri ka!’ dahil napa-(utot) ako. Grabe ang tawa ko na nabiktima kita,” simulang pagbabahagi ng Kapuso star.
“Pero ang bait mo sa akin, Direk Phil. Kaibigan talaga ang trato mo sa akin. Kahit sa Family Feud gusto mo pa kong isama sa team mo. Natuwa nga ako kahit pakiramdam ko hindi naman ako qualified na makasama sa inyo nina Direk Gina pero sabi mo dapat kasali ako.
“Mami-miss ko rin ang mga random text exchanges natin para pag-usapan ang buhay, trabaho at kung anu-ano pa,” dagdag pa ni Mike.
Nabanggit din ng aktor ang bilin sa kanya ni Phillip kapag sumabak na uli siya sa lock-in taping next month para sa bago niyang project.
View this post on Instagram
“Weeks ago lang, nagbibilin ka pa sa kin ng mga ine-expect mo sa character ko pagdating ng August taping. Iyon na pala ang huli nating pag-uusap.
“Mahal kita, Direk Phil. Mami-miss kita bilang kaibigan at direktor ko…You’ll never be forgotten. Rest in peace,” mensahe pa ni Mike kay Direk Phillip.
Matatandaang kinumpirma ng pamangkin ni Phillip na si Chico Lazaro Alinell ang pagpanaw ng kanyang tiyuhin.
Sinabi nito na multiple organ failure ang naging sanhi ng pagkamatay ni Phillip, nitong nagdaang Lunes ng umaga, July 11.
https://bandera.inquirer.net/318349/comedian-director-phillip-lazaro-pumanaw-na-direk-bakit-mo-naman-kami-iniwan-agad
https://bandera.inquirer.net/315294/lolit-hinangaan-ang-tatag-ng-loob-ni-kris-sa-pagpapalaki-kay-josh-at-bimby
https://bandera.inquirer.net/296599/migs-villasis-lumaki-sa-tropa-ng-buble-gang-kimson-tan-gustong-maging-action-star
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.