Divine Tetay kumita ng P150k na tip sa comedy bar sa 1 gabi lang

Divine Tetay kumita ng P150k na tip mula sa customer ng comedy bar

Ervin Santiago - June 27, 2024 - 06:30 AM

Divine Tetay kumita ng P150k na tip mula sa customer ng comedy bar

Divine Tetay, Boy Abunda at Petite

WISH ng mga komedyanteng sina Petite at Divine Tetay na muling sumigla at tauhin ang mga comedy bar ngayon sa Pilipinas.

Masaya raw sa pakiramdam na nakikita nilang unti-unti nang bumabalik ang mga comedy bar na nalugi at nagsara noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Kuwento nina Petite at Divine Tetay sa guesting nila sa “Fast Talk with Boy Abunda”, marami na namang stand-up comedian at mga waiter o service crew na nabibigyan ng trabaho dahil sa pagbubukas uli ng mga comedy bar and resto.

Baka Bet Mo: Petite nakaranas ng matinding hirap sa Bicol, pero mayaman na ngayon

“Nagpapasalamat kami  Tito Boy kasi parang bumabalik na siya ulit. Kasi nawalan po kami ng tahanan, Punchline and Laffline closed so until ‘yun nga pandemic happened.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Divine Tetay (@divinetetay)


“Now nagkakaroon na kami ng napupuwestuhan namin and soon mag-o-open yung isang bagong bagong bahay ng komedya ang Vice Comedy Club,” kuwento ni Tetay kay Tito Boy.

Ang Vice Comedy Club ay pagmamay-ari umano ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda.

Sa tanong kung sinu-sino ang mga itinuturing nilang idol pagdating sa pagiging stand-up comedian, bukod daw kay Vice, bilib na bilib sila ka MC, isa sa tatlong miyembro ng Beks Battalion.

“Kapag kasama ka niya, hindi puwedeng hindi ka mag-moment. Okay lang si MC na hindi mag-moment, basta ‘yong kasama niya mag-moment,” sey ni Petite.

Idol din daw nila ang stand-up comedian na si Negi na napaka-humble rin at walang kayabang-yabang sa katawan kahit kilala at sikat na hindi lang sa mga comedy bar kundi sa mundo rin ng telebisyon.

Baka Bet Mo: Petite napakalaki ng utang na loob kay Vice: ‘Nu’ng nawasak ang puso ko siya ang una kong tinakbuhan, iyak ako nang iyak!’

“Kahit hindi lang set. Like sa raket. Kasi minsan may mga ibang performers na okay kayo sa set, sa stage. Pero kapag may mga private na event o hosting, doon sila magpapaandaran ng ano…ng parang ‘ay bakit ganon?’

“Yung minention ko po lahat, promise kahit saan kayo magkatrabaho, mapa-TV man o stage lahat sila susuporta sa ‘yo,” sey pa ni Divine Tetay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Divine Tetay (@divinetetay)


Nabanggit din nina Tetay at Petite na saludo sila kay Donita Nose bilang TV host na kung ilarawan nila ay “sobrang husay.”

Samantala, rebelasyon pa ni Divine Tetay, ang pinakamalaking tip daw na natanggap niya sa isang gabi lang ng pagpe-perform niya sa comedy bar ay P150,000.

“P150k cash, dineposit sa akin tapos yung next visit niya may P50k, and then the next visit niya P50k uli,” ani Divine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika naman ni Petite ang pinakabonggang tip sa kanya ng mga customer na kinita rin niya sa isang gabi lang ay 1,000 dollars. Napa-wow na lang sa kanila ni Tito Boy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending