Petite nakaranas ng matinding hirap sa Bicol, pero mayaman na ngayon
WALANG seryosong karelasyon ngayon ang singer at stand-up comedian na si Petite matapos makipaghiwalay sa dating boyfriend.
Rebelasyon ni Petite o Vincent Aycocho sa tunay na buhay, nabuking niya na may girlfriend ang dati niyang dyowa na hindi raw sinabi sa kanya sa kabila ng agreement nila na maging honest sila sa isa’t isa.
Bukod dito, nadiskubre rin ng komedyante na may mga nawawala na sa kanyang mga gamit mula sa bahay na kanilang tinitirhan.
Baka Bet Mo: ‘Katutubo’ joke ni Petite kay Negi binanatan ng netizens, inireklamo sa National Commission on Indigenous Peoples
Kasunod nito, umiwas muna siya sa serious relationship, “So, nooking-booking at patikim-tikim na lang muna.”
View this post on Instagram
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, June 24, ay naibahagi ni Petite ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay mula nang pumasok siya sa mundo ng stand-up comedy at entertainment industry.
Inamin ng komedyante na naranasan niya ang mahirap na buhay ng kanyang pamilya sa Bicol pero kini-claim na niya ngayong rich na siya.
“Iki-claim ko na buhay-mayaman kasi hindi ko yan naranasan noon. Naiiyak ako kasi ngayon ko lang ito nae-experience at lahat ng nae-experience ko ngayon, damay ang pamilya ko kasi deserve nila ang lahat ng ito,” aniya pa.
Sabi pa niya kay Tito Boy, “Malaki po ang pagbabago, noon nangangarap ako. Ngayon, ang pangarap ko ito na!
“Napakahirap noon, naglalaba ang nanay ko noon sa batis tapos ang layo-layo ng bahay namin sa Bicol. Four kilometers away sa bahay ko, bundok pa yon.
“May palanggana ako dito (minuwestra ang pagpatong sa ulo). Ang laman ng palanggana, yung mga damit na nilabhan ng nanay ko. So, ang sakit-sakit sa batok ko.
View this post on Instagram
“Ngayon, kaya ko nang bilhan ng laundry shop ang nanay ko,” natatawang pag-alala ni Petite sa kanyang past.
Samantala, bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month, napag-usapan din ang tungkol sa buhay ng mga member ng LGBTQIA+ community.
Sey ni Petite, “98 percent kami siguro yung may pinakamasayang environment. Nagme-makeup pa lang, tumatawa na. Sa stage, tumatawa na. Pagkatapos ng set, tatawa.
“So, ang saya-saya ng buhay. Yung matutulog kang nakangiti talaga,” sey pa ni Petite.
Sabi naman ni Petite natutuwa at nata-touch siya na marami pa ring nanonood sa kanyang YouTube channel, “Hindi ko ine-expect, ang dami ko palang napasaya. Ang dami kong natulungan.
“Minsan, mga nakakasalubong ko sa airport. Yung mga elderly, yumayakap na lang sila sa akin. At meron, yayakap tapos bibigyan ka ng pera.
“Sabi ko, ‘Para saan ito?’ Sabi niya, ‘Nagamot mo ako, hindi mo lang alam.’ Ang saya-saya sa pakiramdam,” saad pa ng stand-up comedian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.