'Katutubo' joke ni Petite kay Negi binanatan ng netizens, inireklamo sa National Commission on Indigenous Peoples | Bandera

‘Katutubo’ joke ni Petite kay Negi binanatan ng netizens, inireklamo sa National Commission on Indigenous Peoples

Ervin Santiago - October 26, 2023 - 06:45 AM

'Katutubo' joke ni Petite kay Negi binanatan ng netizens, inireklamo sa National Commission on Indigenous Peoples

Petite

PAGKATAPOS mag-sorry ni Luis Manzano sa “kidney” joke ng komedyanteng si Petite, may panibagong reklamo na naman ang netizens laban sa kanya.

Agad humingi ng paumanhin si Luis sa madlang pipol matapos magbitiw ng biro si Petite tungkol sa kidney disease sa Kapamilya noontime show na “It’s Your Lucky Day.”

“Sandali ah, babawian ko lang. Kasi si Petite kanina nag-joke tungkol sa pinagdadaanan ng mga may kidney disease.

“Hindi po biro lahat ng pinagdadaanan ng may mga renal conditions, kidney disease. So kumbaga, sorry po doon sa mga…pasintabi lang doon sa mga kumbaga medyo naapektuhan po. So we apologize po for that joke,” ang pahayag ni Luis.

Baka Bet Mo: Kidney transplant ni Bea Rose Santiago tagumpay, kapatid ang donor: After 3 years of dialysis, I feel brand new!

Kasunod nga nito, usap-usapan naman sa social media ang maging biro ni Petite sa kanyang vlog kung saan nakasama niya ang ilan sa mga co-hosts niya sa “It’s Your Lucky Day”.

Sa nasabing vlog, ipinakita ni Petite ang mga BTS o behind the scenes ng ginagawa nilang paghahanda bago magsimula ang kanilang noontime show na pansamantalang pumalit sa suspendidong “It’s Showtime.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vincent Aycocho (@petitebrockovich)


Mababasa sa isang art card ang naging hirit na joke ni Petite habang kachika ang mga co-hosts niyang sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

“Ito anak ko ‘to (Francine) sa foreigner nu’ng kadalagahan ko. German ang tatay niya. Ito naman (Seth) Norwegian.

“Si Negi kasi katutubo tatay niyan,” ang mababasa pa sa art card.

Kasunod nito, sunud-sunod ang naging batikos sa komedyante ng mga netizens dahil nga tila ginawa nitong katatawanan ang salitang “katutubo”.

Baka Bet Mo: Negi, Petite, Iyah Mina nagkaiyakan nang mapag-usapan ang pamilya; pinahirapan din ng pandemya

May mga nag-tag pa sa National Commission on Indigenous Peoples na siyang namamahala sa proteksyon at kapakanan ng indigenous people. Narito ang ilan sa comments ng netizens.

“May problema ka ba sa katutubo Petite?”

“Happy Indigenous Peoples Month Pilipinas. Salamat sa pagtawa at pangmamaliit sa amin mga katutubo.”

“Waiting, yari ‘to.”

“Minaliit mo naman ang kapwa natin katutubo.”

“Being part of the indigenous people is no laughing matter.”

In fairness, may ilang nagtanggol naman kay Petite at sinabing maliwanag na joke lang ang kanyang binitiwang salita at wala naman daw itong intensiyon na makasakit ng kapwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksiyon si Petite pati na ang pamunuan ng National Commission on Indigenous Peoples.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending