Bakit may mga araw na hirap na hirap si Luis Manzano na umalis ng bahay, may problema ba sa pamilya? | Bandera

Bakit may mga araw na hirap na hirap si Luis Manzano na umalis ng bahay, may problema ba sa pamilya?

Ervin Santiago - September 18, 2023 - 07:45 AM

Bakit may mga araw na hirap na hirap si Luis Manzano na umalis ng bahay, may problema ba sa pamilya?

Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut

ISA sa mga rason kung bakit may mga pagkakataong halos ayaw nang umalis ni Luis Manzano ay dahil hindi pa nga siya nakakalabas ng bahay ay miss na miss na niya agad ang kanyang mag-ina.

Ibinahagi ng TV host-actor sa madlang pipol ang nararamdaman niya sa tuwing aalis ng bahay para magtrabaho, lalo na kapag gising pa ang anak nila ni Jessy Mendiola na si Baby Peanut.

Sa kanyang Instagram page kahapon, September 17, nag-post si Luis ng mga litrato kasama ang asawa niyang si Jessy at anak na si Baby Peanut.

Sabi ni Luis sa inilagay niyang caption sa kanyang kanyang IG post, “Hirap umalis ng bahay when you have these babies @jessymendiola @isabellarosemanzano.”

Bumuhos naman ang magaganda at positibong reaksyon ng mga netizens hinggil sa pamilya ni Luis. Narito ang ilan sa mga comments ng IG followers ni Luis.

Baka Bet Mo: Tekla ibinandera ang tunay na dahilan kung bakit umalis sa poder niya ang panganay na anak

“Ganda talaga ni rosie at jessy.”

“Mistisang bangus talaga.”

“Your 2 beautiful babies.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Napakaganda ni jessy di nakaksawa yong mukha at ang cute ni baby.”

“Ung sobra sila binash ng mga taong walang alam nuon.. pero napaka ayos ng buhay nila ngaun. Si God ang nagtataas sa buhay ng mga taong mabubuti ang kalooban.”

“Gwapo & gwapa family.”

“Cuteness overload baby doll Peanut npkgnda and ung mata nya super duper cute goddess doll.”

Recently lang ay nagpasabog uli ng good vibes si Luis sa pamamagitan ng isang video kung saan buong-ningning siyang tinawag ni Baby Peanut ng “Baba”.

Ibinahagi ni Luis sa kanyang Instagram account ang isang maikling video kung saan mapapanood nga si Baby Peanut na tila nakikipag-usap sa kanya habang karga-karga ni Jessy.

Dito nga maririnig ang sanggol na nagsasabi ng “baba” kaya ang hirit ni Luis, feeling niya siya ang pinariringgan ng kanyang super cute na anak.

“Palagi sinasabi ni @isabellarosemanzano ang ‘baba’ which is Dad sa Arabic, either yun…. O inaasar niya baba ko.

“Pakisabihan @jessymendiola na kilalanin niya binabangga niya,” ang nakakalokang sey ni Luis.

Jaya umalis na ng Pinas: I’m just saying thank you…basta, babalik na lang ako ‘pag open na lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine Velasquez na-hurt nang umalis si Jaya: Dapat lagi tayong magkasama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending