Luis 'naasar' nang mabigkas ni Baby Peanut ang 'baba': Pakisabihan na kilalanin niya ang binabangga niya' | Bandera

Luis ‘naasar’ nang mabigkas ni Baby Peanut ang ‘baba’: Pakisabihan na kilalanin niya ang binabangga niya’

Ervin Santiago |September 12,2023
facebook
share this

Luis ‘naasar’ nang mabigkas ni Baby Peanut ang ‘baba’: Pakisabihan na kilalanin niya ang binabangga niya’

Ervin Santiago - September 12, 2023 - 07:29 AM

Luis 'naasar' sa pagkakasabi ni Baby Peanut ng 'baba': Pakisabihan na kilalanin niya ang binabangga niya'

Luis Manzano, Jessy Mendiola at Baby Peanut

LAUGH trip na naman ang hatid ng TV host-comedian na si Luis Manzano sa bagong paandar na video ng anak nila ni Jessy Mendiola na si Baby Peanut.

Bentang-benta sa mga netizens ang naging reaksyon ng celebrity daddy nang paulit-ulit na banggitin ng panganay na anak ang salitang “baba”.

Ibinahagi ni Luis sa kanyang Instagram account ang isang maikling video kung saan mapapanood nga si Baby Peanut na tila nakikipag-usap sa kanila habang karga-karga ni Jessy.

Dito nga maririnig ang sanggol na nagsasabi ng “baba” kaya ang hirit ni Luis, feeling niya siya ang pinariringgan ng kanyang super cute na anak.

“Palagi sinasabi ni @isabellarosemanzano ang ‘baba’ which is Dad sa Arabic, either yun…. O inaasar niya baba ko.

“Pakisabihan @jessymendiola na kilalanin niya binabangga niya,” ang nakakalokang komento ni Luis.

Sa comments section, isa ang pang-asar niyang kaibigan na si Alex Gonzaga ang nag-post ng kanyang reaksyon sa video ni Baby Peanut, “May problema ba si Rosie sa baba??? Pakialam.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


“HAHAHAHAHAHAHHA KAKA ASAR MO SA IBANG TAO, ANAK MO NA NANGAASAR SAYO HAHHA KARMA char. Cutieee.

“Dto nmm sa japan baba is mtandang babae lola b sa atin hehehe.”

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola nais nang bumalik sa showbiz, Baby Peanut mag-aartista na rin ba?

“Aysus! Nagsasalita na si baby.”

“Nagpapractice lang naman kuya luis si isabella.”

“Baba …mo daw sir Luis hehe .. cute ni Peanut.”

“Lucky! Your baby is soooo cute. almost same age as my 4th, Presley.”

“Peanut u look like u’r grandma Vilma Santos.”

“Oo nga naman baby Peanut, make sure say Dada not baba para ganahan si Dada na maghanap buhay.”

Yan ang ilan sa mga comments ng netizens sa kulitan at asaran nina Luis at Baby Peanut.

Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: ‘Kayo nga po pinag-isa n’yo pisngi, leeg at baba n’yo di namin kayo pinakikialaman’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Agot rumesbak sa mga troll na tumawag sa kanya ng ‘abnormal’, ‘haba baba’, ‘inggitera’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending