Agot rumesbak sa mga troll na tumawag sa kanya ng 'abnormal', 'haba baba', 'inggitera' | Bandera

Agot rumesbak sa mga troll na tumawag sa kanya ng ‘abnormal’, ‘haba baba’, ‘inggitera’

Ervin Santiago - August 16, 2021 - 09:37 AM

Agot Isidro

“BEAST mode” na naman ang Kapamilya singer-actress na si Agot Isidro matapos banatan ng mga bashers dahil sa pagkokomento niya sa bonggang wedding ni  Congresswoman Claudine Diana “Dendee” Bautista.

Isa si Agot sa mga bumatikos sa engrandeng kasal ni Bautista na ginanap kamakailan sa Balesin Island Resort. Siya ay representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights party-list.

Ayon sa mga pumuna sa kongresista, “insensitive” raw ang  pagpapakita nito ng magarbong kasalan habang patuloy na naghihirap ang napakaraming driver sa bansa dulot ng pandemya.

Sabi nga ni Agot, “That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista.”

Maraming kumampi sa aktres pero meron ding nam-bash sa kanya. Comment nga ng isa niyang hater,  “Syempre may pagka abnormal ka kaya…mukha mo pa lang wala ng kwenta.” 

Naniniwala naman si Agot na troll lamang ang nasabing basher dahil wala itong profile photo at isa lang ang follower sa Twitter. Kaya ang tanging sagot lang niya rito ay, “Ganda ka?”

Pang-ookray naman sa kanya ng isa pang troll, “Hahahaha! BABA mo Lola nahaba lalo.” Na sinagot ni Agot ng, “Dami ko ng replies sa yo ha. Masarap na kakainin mo dahil sa ayuda ko. Last na ito. Block na kita ha? Enjoy the rest of the weekend, troll!”

Sey ng isa pang basher, “Hala umarada na naman ang inggit mo gurl? uy, kinatandaan mo na yan, tigilan mo yan!” Pero dinedma na siya ni Agot at hindi na pinatulan pa.

Kasunod nito, ipinagdiinan ng aktres na hindi na siya naaapektuhan ng mga paninira ng  trolls pero, “Sometimes, I make patol. Because it’s fun.”

Nagkomento sa tweet niya ang kilalang forensic pathologist na si Raquel Fortun. Anito, “Sometimes I make patol. Because I’d explode otherwise. Or rupture an artery somewhere.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Reply sa kanya ni Agot, “True, Doc. pero wag kayo pa-stress sa kanila. di sila worth eeeet. happy rainy Sunday, Doc!!!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending