Jessy Mendiola nais nang bumalik sa showbiz, Baby Peanut mag-aartista na rin ba?
MUKHANG malapit nang magbalik-showbiz ang aktres na si Jessy Mendiola.
Nang tanungin kasi ang mister niya na si Luis Manzano ng ABS-CBN News kung may balak pang bumalik sa trabaho ang asawa.
Ang sagot agad ni Luis ay “oo” at sa katunayan nga raw ay marami nang lumalapit kay Jessy upang alukan ng mga proyekto.
Pero, aniya, pinag-iisipan pa nila ito dahil ang priority pa rin daw nila ay ang kanilang anak na si Baby Rosie o mas kilala bilang Baby Peanut.
“Yes, yes meron naman. And you know, even after Peanut siyempre there are a lot of offers and they all understand naman na priority namin first and foremost is Peanut,” sey ni Luis sa isang interview.
Aniya pa, “Siguro swerte lang kasi ‘yung hosting mas hawak mo ‘yung oras mo ng konti, pero she wants to get back to work.”
Ibinunyag din ni Luis na bukod kay Jessy, may mga offers din daw para kay Baby Peanut at sa kanilang pamilya.
Baka Bet Mo: Luis Manzano sinagot kung kailan pwedeng magpaligaw si Baby Peanut: Kapag nag-aagaw buhay na siya
“You know, thankful kami dahil ang daming brands na nagtatanong na sa amin as a family,” chika ng TV host.
Patuloy niya, “So sabi ko nga, si Peanut medyo may nag-aantay na endorsements. So kumbaga ‘yun ‘yung part kahit paano ng back to work namin.”
“Siguro it’s part siguro kahit paano na when Jessy gets back to work, kumbaga kahit si Peanut ay magkakaroon ng exposure na ‘trabaho’ if you will,” dagdag pa niya.
Nang tanungin naman si Luis kung payag ba siyang maagang mag-artista ang anak.
Ang sagot niya, “Kung gusto niya mag-artista agad, okay lang sa akin.”
“Pero the moment she says na ‘Papa, ayaw ko na, gusto ko na mag-rest’, go,” saad pa niya.
Dagdag niya, “Hindi ko siya ipi-pressure to do anything but at least kung masubukan niya, kunwari lang mag-‘Goin’ Bulilit’ o when she’s older mag-try mag-hosting by all means, para at least kapag natulog siya sa gabi kaya niyang sabihin na I tried it but it wasn’t for me.”
“Ang fear ko lang is baka hindi niya agad-agad maintindihan ‘yung set up ng pamilya na parang ‘okay, bakit lahat nang ginagawa ko ay lumalabas sa news’ wala siyang choice. Although kami rin naman naglalagay ng mga milestones sa buhay niya,” saad din ni Luis.
Nilinaw rin ni Luis na ano man ang maging desisyon ng kanyang anak ay susuportahan nila ito ng kanyang misis.
Sey niya, “When she’s older, dalawa lang ‘yan—it’s either she appreciates or she chooses and talks to us not to do it na lang and kumbaga kung saan siya, happy doon ako.”
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.