Regine Velasquez na-hurt nang umalis si Jaya: Dapat lagi tayong magkasama | Bandera

Regine Velasquez na-hurt nang umalis si Jaya: Dapat lagi tayong magkasama

Therese Arceo |April 22,2022
facebook
share this

Regine Velasquez na-hurt nang umalis si Jaya: Dapat lagi tayong magkasama

Therese Arceo - April 22, 2022 - 09:32 PM

Regine Velasquez na-hurt nang umalis si Jaya: Dapat lagi tayong magkasama

AMINADO ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na nahirapan siyang tanggapin ang desisyon ng kanyang matalik na kaibigan at Queen of Soul na si Jaya nang mag-migrate ito sa Amerika.

Sa kanyang naging panayam sa “Magandang Buhay” para sa kanyang birthday episode, naging emosyonal ang singer sa pagbabahagi ng kanyang naramdaman nang umalis sa Pilipinas ang Queen of Soul noong nakaraang taon.

Pagkukwento ni Regine, bagamat nag-uusap na sila ng kaibigan ay hindi niya ito kinausap noong araw na lumipad ito papuntang ibang bansa.

“Feeling ko iniwan ako ng kaibigan ko. Although nag-usap na kami pero hindi ko masabi na nahu-hurt ako kasi iniwan mo ‘ko. Ganun yung feeling ko. Magkaibigan ‘di ba tayo dapat lagi tayo magkasama,” saad ng TV host-singer.

Ani Regine, alam naman niyang may rason si Jaya ngunit noong mga panahong iyon ay ayaw niya lang itong intindihin, bagay na alam niyang hindi naman niya pag-uugali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaya Gotidoc (@jaya)

“I know na meron siyang reason why she needed to leave. Naiintindihan ko naman yun, ayoko lang intindihin. I’m not usually like that. I am very understanding person. Kung saan ka masaya ho. I don’t know why I am like this with her,” pagpapatuloy niya.

Pakiramdam niya, marahil ay dahil nga matagal na silang magkaibigan at magkasama sa industriya kaya naging “possessive” siya kay Jaya.

“Kasi marami na kaming pinagdaanan. Never naman kami nag-away pero yung madaming mga ups and downs so sa buhay, witness siya sa aming buhay mag-asawa,” sey pa ni Regine.

Matatandaang Hulyo 2021 nang magpasya si Jaya na umalis ng bansa para magsimula ng bagong buhay sa Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago mag-migrate ang kaibigan ni Regine ay huli itong napanood bilang hurado ng “Tawag Ng Tanghalan” na isa sa mga segment ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

Related Chika:
Jaya umalis na ng Pinas: I’m just saying thank you…basta, babalik na lang ako ‘pag open na lahat

Regine Velasquez kinaladkad si Ogie Alcasid palabas ng ‘Showtime’ studio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending