Petite humirit kay Isko Moreno: Isa ka sa kadahilanan kung bakit ako bakla
UMAMIN ang komedyanteng si Petite o si Vincent Aycocho sa totoong buhay na isa sa mga naging dahilan kung bakit niya napatunayang beki siya ay dahil kay Isko Moreno.
Sa kaniyang guesting sa “Iskovery Night” kasama si Negi na mapapanood sa YouTube vlog ng dating mayor ng Manila City ay isang pasabog ang kanyang isiniwalat.
“Yorme, my ultimate crush!” bungad agad ni Petite.
Matapos nito ay nagkatsikahan na ang tatlo at habang nagkukwentuhan ay naikuwwnto nga ng komedyante kung paano siya nagsimula bilang komedyante.
“Ako kasi yung tao na talagang I started from scratch. Hindi kami mayaman pero binalyu ko ang education ko,” lahad ni Petite.
Aniya, talagang nag-aral raw siya dahil yun ang kanyang passport sa magandang trabaho.
Baka Bet Mo: Negi, Petite, Iyah Mina nagkaiyakan nang mapag-usapan ang pamilya; pinahirapan din ng pandemya
View this post on Instagram
Kuwento ni Petite, Sa opisina ako ng tatayo ko kasi ‘yung tatay ko sa DPWH siya so nag-opisina ako. Tapos hanggang sa nag-Japan ako.”
“Hanggang sa nag-The Library na ako at doon kita unang nakita. ‘Yung talagang na-starstruck talaga ako. Kasi, Diyos ko, siguro isa ka sa kadahilanan kung bakit ako bakla.”
Agad namang napatawa ang “Eat Bulaga” host sa itinuran ng komedyante.
“Talagang high school pa lang ako, lagi akong walang pera kasi every weekends sine-save ko ‘yun. Bumibili ako ng Chika Chika, ‘yung magazine. Tapos ikas ang centerfold, naka-stripes na trunks,” pagpapatuloy pa ni Petite.
Biro pa niya, after 2 weeks raw ay hindi na mabuklat ang magazine dahil raw nagdikit-dikit na.
Mukha namang nagkaintindihan ang tatlo at napahalakhak sa sinabi ni Petite.
Inamin rin ng komedyante na ilang beses siyang nahuli ng kanyang ina na nagsasarili.
“Noong nahuli ako, ‘ano ‘yan?’ Sabi ko, ano, nagsasarili. Sabi niya, [tumatango] kesa mag-drugs,” lahad ni Petite.
Marami pang kalokohan at katatawanang pinag-usapan ang tatlo kaya aliw na aliw rin ang manonood.
Related Chika:
Isko Moreno hindi na napipikon sa mga laiterang bashers at haters: ‘Manhid na, eh!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.