Isko Moreno nakigulo sa ‘Eat Bulaga’, may bonggang prod number
NAKIGULO na nga rin ang dating mayor ng Manila City na si Isko Moreno sa mga bagong hosts ng noontime program na “Eat Bulaga”.
Ngayong araw, June 10, isang pasabog na production number ang ginawa ng dating alkalde kung saan sinayaw niya ang 90s hit song na “Dying Inside To Hold You”.
Ang naturang kanta ay naging signature dance song ni Isko sa kanyang pangangampanya buhat nang tumakbo ito bilang vice-mayor ng Maynila noong 2007.
Pag-amin niya, 30 years na ang nakalilipas buhat nang huli niya itong sayawin. Pabiro kasi siyang inasar ni Paolo na nakalimutan na niya ang dance steps.
Baka Bet Mo: Isko Moreno balik showbiz na, gaganap na Ninoy Aquino sa pelikula ni Darryl Yap
Ipinakilala nga bilang guest host ang dating politiko ngunit may chance na maging regular host ito lalo na’t malapit siyang kaibigan ng mga Jalosjos.
Sa katunayan ay nag-post pa nga si Mayor Bullet Jalosjos sa kanyang Instagram story ng cropped photo ni Isko.
“Sino kaya ang bagong host na sasali sa Eat Bulaga family? Abangan at makisaya na mamaya!!” sey ng alkalde at siya ring chief finance officer ng TAPE Inc.
“Balita ko, masaya todits. Huwag kayong aalis. Diyan lang kayo gedli, bandang wakali, bandang nanka. Nandito na kami,” sey ni Isko habang binabati ang mga dabarkads.
Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng madlang pipol sa pagsali ni Yorme sa “Eat Bulaga”.
For sure naman ay elbow na kay Isko ang mga batikos dahil matagal na rin ito sa showbiz at marami na rin siyang natanggap na batikos nang pasukin niya ang mundo ng politika kaya kering-keri na niya ang mga negative comments ng publiko sa kanya.
Related Chika:
Joaquin Domagoso hindi makikipag-away kay Isko Moreno tungkol sa politika: ‘Matatalo lang ako…and I Iove him’
Isko Moreno nagbigay ng payo kay Joaquin: Maging responsable
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.