Isko Moreno balik showbiz na, gaganap na Ninoy Aquino sa pelikula ni Darryl Yap
MATAPOS ang ilang taong paninilbihan bilang alkalde ng Maynila ay magbabalik na sa mundo ng showbiz si Isko Moreno.
At mukhang magiging maingay ang kanyang pagbabalik matapos ang anunsyo na siya ang gaganap bilang si dating Sen. Ninoy Aquino sa magiging pelikula ni Darryl Yap.
Nitong Biyernes, November 18 ay inanunsyo ng direktor ang bibida sa bago nitong gagawing pelikula.
“Isko Moreno as Ninoy Aquino,” saad ni Darryl Yap.
“The Filipino is worth dying… INSIDE. #MoM2023 #MoM #MARTYRorMURDERER,” dagdag pa niya.
Kasama rin ng kanyang post ang larawan ni Isko habang hawak-hawak ang kanyang kopya ng script.
View this post on Instagram
Nitong November 15 lang nga ng inihayag ni Darryl Yap na may nakuha na siyang gaganap sa nasabing karakter.
Bago pa man ang pag-anunsyo na si Isko nga ang gaganap bilang Ninoy Aquino ay naging usap-usapan noon kung sino nga ba ang gaganap sa sequel ng “Maid in Malacañang”.
May mga kumalat pa ngang balita na si Philip Salvador raw o ‘di nama’y si Herbert Bautista na parehas na naiugnay sa bunsong anak ng dating senador na si Kris Aquino.
Ang mga hinuhang ito ay kumalat dahil na rin sa inilabas ni Darryl na pa-teaser na may hawig sa dalawang aktor na nabanggit.
Umani naman ng samu’t saring komento ang pasabog nina Isko at Darryl.
Saad ng isang netizen, “Isko is an open minded person, no hates, no whatsoever, and he’s smart.”
“Tama ka sa choice mo direk,Kukuha kana lang ng artista syempre yung gagawa na ng ingay,” comment ng isa.
Sey naman ng isa, “Galingan mo Isko Moreno! This is your biggest acting break so far.”
Samantala, wala pa namang pahayag ang dating mayor ng Maynila patungkol sa bago niyang proyekto.
Related Chika:
Yorme balak mag-retire sa public service sa edad 50; wala pa ring final answer sa Eleksyon 2022
Mayor Isko at ang pagkapangulo, dinala sa putikan ni Duterte
Karen kampi kay Isko: Sana lang wala nang ganitong pang-iinsulto porke kalaban sa 2022!?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.