Darryl Yap push na push sa ‘Pepsi Paloma’ movie

Darryl Yap push na push sa ‘Pepsi Paloma’ movie, showing sa Pebrero

Pauline del Rosario - January 20, 2025 - 11:19 AM

Darryl Yap push na push sa ‘Pepsi Paloma’ movie, showing sa Pebrero

PHOTO: Facebook/Darryl Yap

TULOY na tuloy pa rin ang pagpapalabas ng “Pepsi Paloma” movie sa darating na Pebrero.

Ito ang inanunsyo ng controversial director na si Darryl Yap sa gitna ng ongoing legal battle nila ng batikang aktor at TV host na si Vic Sotto.

Sa Facebook, ibinandera ni Darryl ang isang screenshot ng listahan ng “trending actors” at makikitang kasali roon ang pangalan ng yumaong sexy actress.

Ang caption pa diyan ng direktor, “THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA. THIS FEBRUARY PH CINEMAS.”

Baka Bet Mo: Mga mosyon nina Darryl, Vic hinggil sa ‘Pepsi Paloma’ movie ibinasura

Wala pang rating ang nasabing pelikula, bilang wala pang natatanggap na materyal ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang ma-review, ayon sa ulat ng INQUIRER.

Noong January 17, nagkaharap sina Vic at Darryl sa korte upang dinggin ang kasong isinampa ng una laban sa huli dahil sa inilabas nitong teaser trailer.

Matatandaang agad na nag-viral ang pasilip ng pelikula matapos mabanggit ang pangalang Vic sa mga nang-rape umano kay Pepsi.

Personal na nagtungo sina Vic at Darry sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch (RTC) 205 para sa summary hearing sa isinampang petisyon ni Bossing para sa writ of habeas data.

Ang layunin nito ay para tanggalin ang nasabing teaser video, pati na rin ang iba pang promotional materials ng naturang pelikula dahil sa pagkakabanggit ng kanya “personal information o sensitive personal information.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos ang hearing, nanatiling tikom ang bibig ng dalawang kampo dahil na rin sa inisyung gag order sa kanila.

Ngunit sinabi ng direktor na itutuloy pa rin niya ang pelikula: Well, I’m okay. I’m still finishing the movie.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending