Isko Moreno nagbigay ng payo kay Joaquin: Maging responsable | Bandera

Isko Moreno nagbigay ng payo kay Joaquin: Maging responsable

Reggee Bonoan |February 03,2023
facebook
share this

Isko Moreno nagbigay ng payo kay Joaquin: Maging responsable

Reggee Bonoan - February 03, 2023 - 08:24 PM

Isko Moreno nagbigay ng payo kay Joaquin: Maging responsable

SIYAM na buwan na ang apo ni Yorme Isko Moreno na si Scott Angelo Domagoso pero hindi pa sila nagkikita ng balae niyang si Diego Castro lll, isa sa newscaster ng “One Balita Pilipinas” na umeere sa TV5.

Ito ang inamin ng dating Mayor ng City of Manila sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na inilabas sa YouTube channel ng huli ngayong hapon.

Si Scott ay anak nina Joaquin Domagoso at Raffa Castro na ang ina ay ang dating aktres na si Raven Villanueva.

Isa sa topic nina Ogie at Yorme Isko ay ang anak nitong si Joaquin na pinupuri niya dahil napaka-hands on daddy.

“Bilin ko (kay Joaquin) maging responsible. Naglabas ka na naman ng isang bibig sa mundo, it’s a lifetime thing,” sabi raw ni Isko sa anak na isa na ring artista.

Natanong ni Ogie kung ano ang napansin nitong pagbabago kay Joaquin simula ng maging tatay na ito kay Scott Angelo na parehong kinuha ang pangalan sa mga lolong Isko at Diego.

“Mas responsable siya ngayon, in fact maalaga siya ama, both of them (Raffa) but I’ve never seen Joaquin for example carrying Drake, bunsong nilang kapatid play-play but giving time with Scott, nilalaro niya, pinapa-dede niya, inaalagaan niya mga those things. I’m happy and proud of him,” nakangiting paglalarawan ni Yorme sa anak.

At dito na nabanggit na hindi pa sila nagkikita ng balae niyang si Diego.

“Hindi pa, wala pang opportunity but anytime,” saad ni Isko.

Naikuwento ni Ogie na nagkita nga sila ni Diego sa isang party at inaming hindi pa nga sila nagkikita ng dating Manila mayor dahil alam niyang busy ito dahil natapat sa kampanya noong nakaraang taon ang ang pagputok ng balitang buntis at nakapanganak na ang anak na si Raffa.

Pagkatapos naman daw ng eleksyon ay nagpahinga si Isko kasama ang pamilya sa ibang bansa at maging si Diego ay abala rin sab ago niyang trabaho bilang newscaters sa OnePH. Pero umaasa naman na magkikita sila isang araw ang importante ay maayos ang pagsasama ng anak at apo sa poder ni Joaquin.

Sabi ni Ogie, “so nagkakahintayan lang kayo?”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isko Moreno (@iskomorenodomagoso)

 

“Oo kasi ang dapat na mag-initiate si Joaquin o si Raffa dapat sila ‘yun,” diin ni ng tatay ng aktor.

Dagdag pa ni Isko, “in all honestly kung mapapansin mo nu’ng mag-asawa ako, hiniwalay ko ‘yung asawa ko sa bahay namin. ‘Yung nanay ko nagkabahay ‘yung bahay namin ibinigay ko sa kanya. Kaming mag-asawa nag-apartment, umupa kami sa Balut, Tondo.

“Nagsarili kami kailangan mo ‘yun, eh. Then we initiate ‘yung mga parents namin. Gusto ko ‘yun na ‘okay may laya kayo. Just tell us when, where, what (magkikita). Ayokong mangingialam sa anumang gusto nilang gawin bilang mag-asawa kasi iyon din naman ‘yung ginawa ko dati. Those are the things that I don’t touch unless asked.”

Nag-reach out ba si Yorme Isko sa mga Castro since lalaki ang anak niya.

“Wala pa naman (nangyari), but the mother (Raven) nagkita-kita na kami, 2021 I guess if I’m not mistaken nagsama pa kami sa New Year,”sambit ng fadir ni Joaquin.

Looking forward din si Yorme Isko na isang araw ay magkakasama-sama sila ng balae niyang si Diego at wala naman daw isyu sa pagitan nila.

“Wala at all! As in 100%, in fact nu’ng magkaka-anak na si Joaquin it was during the campaign when I was asked sinagot ko kaagad (oo). Sabi sa akin (nagtanong) ‘bakit hindi mo sinasabi?’ Sabi ko, ‘ba’t hindi ka nagtatanong?’

“So, it was never hidden o tinago. I think by not saying is giving respect to the person who did it like Joaquin and Ella (pet name ni Raffa). Sila ‘yung involved, eh. Gusto ko ‘yung privacy nila, sila ang maglabas hangga’t maari. Sila dapat maging responsible dahil magulang na sila,” paliwanag mabuti ng ama ni Joaquin.

Samantala, nagsalita na ng tapos ang dating Ama ng Maynila na retired na siya sa politics ito ang sagot niya kay Ogie sa tanong kung makikita ulit si Yorme sa arena sa taong 2025.

“Retired na ako, as far as I’m concerned I’m happy now, enjoying my life. Salamat sa Diyos binigyan ako ng second chance to be with my kids, with my family, more time with my family. Kasi dalawang dekada (politika). I dedicated my life for you (publiko). I don’t want to sound romantic but that is the case,” katwiran ni Yorme Isko.

Related Chika:
Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko Moreno balik showbiz na, gaganap na Ninoy Aquino sa pelikula ni Darryl Yap

Yorme balak mag-retire sa public service sa edad 50; wala pa ring final answer sa Eleksyon 2022

Joaquin Domagoso hindi makikipag-away kay Isko Moreno tungkol sa politika: ‘Matatalo lang ako…and I Iove him’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending