Divine Tetay binubugbog ng ex-BF: Tumagal ng 4 years | Bandera

Divine Tetay binubugbog ng ex-BF: Tumagal ng 4 years

- February 20, 2020 - 12:01 AM

DIVINE TETAY

NAGPAKATANGA at naging bobo rin sa pag-ibig ang Kapuso gay comedian na si Divine Tetay.

Inamin niyang tumagal nang mahigit apat na taon ang relasyon nila ng kanyang ex-dyowa at sa panahong ‘yun ay paulit-ulit daw siyang sinasaktan nito.

Sa isang segment ng “Mars Pa More”, natanong kung ano ang hinding-hindi nila malilimutang palaban moments sa buhay, sa pamamagitan ng mga sikat na movie lines.

Ang nabunot niyang linya ay mula sa pelikula ni Robin Padilla na “Walang Awa Kung Pumatay”: “Kung may ranggo ang mga tanga, heneral ka.”

Diretso niyang sinabi na relate na relate siya sa nasabing linya dahil sa nangyari na ito sa kanyang lovelife.

“But I was able to finish it, although tumagal siya ng four years and four months. He’s taller than me, bigger than me. Sinasaktan niya ko, sa laki kong ‘to, ha.

“Pero napakasaya ko na wala na. Then, I learned na sobrang daming aral sa ganu’n. Tapos, yung mga kaibigan ko na nasa ganu’n ding situation, sinasabihan ko na itigil na nila yun,” lahad ng komedyante.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang pasalamat ko na lang I was able to get out of that relationship ’cause it’s truly not good, guys. Mga mars, hindi siya maganda, ever.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending