Divine Tetay ibinandera ang 1st anniversary nila ng dyowa; Richard Yap may bagong pasabog sa GMA | Bandera

Divine Tetay ibinandera ang 1st anniversary nila ng dyowa; Richard Yap may bagong pasabog sa GMA

Ervin Santiago |August 24,2022
facebook
share this

Divine Tetay ibinandera ang 1st anniversary nila ng dyowa; Richard Yap may bagong pasabog sa GMA

Ervin Santiago - August 24, 2022 - 06:47 AM

Cris Jayson Hementera at Divine Tetay

IBINANDERA ng TV host at stand-up comedian na si Divine Tetay sa kanyang social media account na isang taon na sila ng kanyang non-showbiz dyowa.

Kaya naman maraming netizens ang napa-“sana all” na lang sa masaya at makulay na lovelife ng Kapuso comedian.

View this post on Instagram

A post shared by Divine Tetay (@divinetetay)


Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Divine Tetay ang sweet photos nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Cris Jayson Hementera na kuha nga sa kanilang first anniversary celebration bilang magdyowa.

Makikita sa IG photos ang mga kilig bonding moments nila ni Cris habang nagbabakasyon sa isang lugar sa Bohol.

Ang inilagay na mensahe ni Divine Tetay para sa kanyang boyfriend ay, “Happy Anniversary Babe! Cheers to many many years of labing labing! Shot punnooo! I LOVE YOU DADDY #Anniversary #TaySon.”

Sandamakmak na pagbati naman ang natanggap nina Tetay at Cris mula sa mga netizens at ilang kaibigan ss showbiz at lahat sila ay nagwi-wish na sana’y pang-forever na ang relasyon ng dalawa.

* * *

Balik-telebisyon ang Sparkle leading man na si Richard Yap sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Abot Kamay na Pangarap.”

Gagampanan ni Richard ang karakter ni Robert Tanyag, isang super workaholic na doktor kaya kung minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang pamilya. Ibinahagi ni Richard sa isang interview na very exciting ang mangyayari sa kanyang role sa serye.

Bukod kay Richard, pasok sa cast ng “Abot Kamay na Pangarap” sina Carmina Villarroel bilang Lyneth at Jillian Ward bilang Analyn. Kasama rin sa star-studded cast sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Pinky Amador, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba.

Ano nga kaya ang magiging koneksyon ng karakter ni Richard sa buhay ng mag-inang sina Lyneth at Analyn?

Tutukan ‘yan sa “Abot Kamay Na Pangarap”, this September na sa GMA.

https://bandera.inquirer.net/318336/zsa-zsa-muling-dumalaw-sa-puntod-ni-dolphy-ginunita-ang-10th-death-anniversary-ng-comedy-king-zia-nag-alay-ng-tula-sa-ama

https://bandera.inquirer.net/279761/sarah-nakipag-ayos-na-kay-mommy-divine-tanggap-na-kaya-ng-pamilya-geronimo-si-matteo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282009/nikki-valdez-mister-nahawa-na-rin-covid-is-real-but-so-is-our-god-who-is-our-divine-healer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending