Jillian: Tao lang po, deserve din nating magkaroon ng privacy

Jillian: Tao lang po tayo, deserve din nating magkaroon ng privacy

Ervin Santiago - October 22, 2024 - 06:10 AM

Jillian: Tao lang po tayo, deserve din natin na magkaroon ng privacy

Jillian Ward

PAGKATAPOS ng matagumpay na seryeng “Abot-Kamay Na Pangarap“, sasabak naman sa isang bonggang pelikula si Jillian Ward.

Ito ang kinumpirma ng tinaguriang Star of the New Gen after ng very successful run ng kanilang hit medical drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” na nagtapos na last Saturday, October 19.

Kaya ang tanong ng kanyang mga fans, ano na ang next na gagawin ni Jillian para magtuluy-tuloy ang acting career niya.

“Well, for sure magpapahinga po muna ng kaunti, pero may gagawin po akong movie soon na medyo challenging po talaga ‘yung character. And maraming-marami pa po kayong aabangan,” ang pahayag ni Jillian sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, October 18.

Baka Bet Mo: Carmina inaatake na ng sepanx sa pagtatapos ng ‘Abot-Kamay Pangarap’

Pero hindi pa raw niya puwedeng banggitin ang mga detalye tungkol sa pagbibidahan niyang pelikula dahil baka mapreempt daw niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Samantala, naitanong din ni Tito Boy kay Jillian ang tungkol sa privacy ng mga artista at kung may karapatan ba silang magreklamo o ma-offend kapag nai-invade na ng mga fans ang kanilang private space.

“Minsan naiisip mo ba, walang tulog, wala ka nang privacy, ang daming intriga, oras. Sa palagay mo ba may karapatan tayo, hindi lang ikaw, tayo, na magreklamo?” ang question ni Tito Boy.

Sagot ng dalaga, “Well, to an extent, siyempre po kasi tao lang din naman po tayo.

“Lalo na po ‘yung ibang mga artistang sobrang pino-protect po nila ‘yung privacy nila pero minsan wala po silang magawa, talagang parang ano po tayo e, apple of the eye.

“Lahat po napapansin so I think deserve din po natin na magkaroon ng privacy pero I think we have to work on it. Responsibility pa rin po natin,” sey pa ng Kapuso star.

Kung matatandaan, sinugod ng ilang fans ang super P-Pop girl group na BINI sa tinutuluyan nilang hotel room para lamang magpa-picture.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y kahit pa nga natapos na ang kanilang concert at oras na ng kanilang pahinga na sila. Kasunod nito, nanawagan ang grupo na sana’y respetuhin naman ang kanilang privacy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending