Founder ng David’s Salon na si David Charlton pumanaw na
PUMANAW na ang kilalang salon owner na si David Charlton ngayong araw, October 29, sa edad na 69.
Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa Facebook page ng David’s Salon.
Ang naturang post ay ibinahagi rin ng kanyang anak at ang creative director ng kilalang salon na si Laura Charlton.
Maging ang isang kilalang brand ay ibinahagi at nagbigay tribute para sa namayapang negosyante.
Baka Bet Mo: Apo ni Mon Tulfo pumanaw sa edad 26; biktima ng matinding depresyon
View this post on Instagram
“Today, we pay tribute to David Charlton, the visionary founder of David’s Salon.
“His legacy of creativity, dedication, and unparalleled service will continue to inspire us. He will be deeply missed,” saad sa Facebook post ng L’Oréal Professionnel nitong Martes ng gabi, October 29.
Base naman sa Facebook post ng David’s Salon, magsisimula ang viewing bukas, October 30 bandang alas-dos ng hapon.
Ang final mass naman ay gaganapin sa The Chapels Heritage Park Taguig sa November 3, ala una ng hapon.
Wala namang inilabas na iba pang detalye tungkol sa naging sanhi mg pagkamatay ni David Charlton.
Taong 1978 nang dumating sa bansang Pilipinas ang kilalang salon owner at itinayo niya ang David’s Salon taong 1989.
Sa ngayon ay may mahigit 200 na branches na ang kilalang salon sa buong Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.