Singer-comedian na si Jograd dela Torre pumanaw na
PUMANAW na ang singer at komedyanteng si Jograd dela Torre na nakilala bilang co-host nina Nora Aunor at ng namayapang si German “Kuya Germs” Moreno sa musical variety na “Superstar”.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kanyang kapatid ngayong araw, November 15.
“Everyone, prayers and love for my brother (Jograd) who joined with Papa Eddie, Mama Betty, Boy Antoy and Manong Bebot,” pagbabahagi ni Arlene McCullough sa Facebook kalakip ang larawan ng nakasinding kandila.
Ayon sa isang balita, na-confine muna sa Ospital ng Maynila ang singer-comedian bago ito tuluyang binawian ng buhay.
Base sa naging interview ni Jograd noong July 2023 kay Morly Alinio, inamin nitong may matagal na siyang iniindang karamdaman.
“Ang pinaka[iniinda] ko talaga ‘yung sa liver ko. May pangalawang hospitalization pa. ‘Yung pangatlo na, ‘yun na ang grabe. Umakyat ‘yung toxic sa liver ko [papunta] sa utak ko.
“Hindi na ani nakakakilala ng tao. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakilos. Akala ko nga hindi na ako makakakanta e. Akal ko nga hindi ko na maaalala mga lyrics ng kanta ko,” lahad ni Jograd.
Sa kabila ng pinagdaraanang karamdaman ay pinilit pa ring lumaban ng singer-comedian para patuloy na lumaban.
“Minsan nga, parang sumusuko na ako dahil inom ako nang inom ng gamot, pero mas masarap mabuhay e kaya gusto ko gumaling,” sey ni Jograd.
Maliban sa pagiging regular co-host nina Ate Guy at Kuya Germs ay bumida rin sya sa 1986 film na “Okleng Tokleng” kung saan kasama niya sina Aurora Sevilla, Francis Magalona, Panchito at si Lou Veloso.
Si Jograd rin ang gumawa ng nag-viral na political song na “Kawatan” na siyang kinanta niya sa Luneta noong kasagsagan ng pork barrel scam kung saan involved si Janet Napoles.
Bukod pa rito, naging parte rin siya ng iba’t ibang pelikula noon gaya ng “Working Girls” (1984), “Exploitation” (1997), “Kandungan” (1995), “Rambo Tango” (1984), at “Rocky Tan-Go” (1986).
Related Chika:
Joey Paras pumanaw na sa edad 45, pamilya nanawagan ng tulong pinansiyal
‘The Voice Kids’ season 3 contestant Yohance Levi Buie mula sa Team Sharon pumanaw na sa edad 17
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.