‘Pieta’ nina Nora, Jaclyn at Alfred ilalaban sa MMFF 2023; PM Vargas tuloy ang pagpo-produce ng pelikula para makatulong sa movie industry
MAS madadagdagan ang kinang at siguradong mas magiging exciting pa ang laban sa Metro Manila Film Festival 2023 kapag nakapasok ang pelikula nina Nora Aunor, Jaclyn Jose at Alfred Vargas, ang “Pieta.”
Kung makakapasa ang “Pieta” ng Superstar, pati na ang pelikula ni Star For All Seasons Vilma Santos at ni Christopher de Leon na “When I Met You In Tokyo”, makakalaban nila ang official entry ni Megastar Sharon Cuneta at Alden Richards.
At sa pagkakaalam namin, may isa-submit ding entry na pagbibidahan naman ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Bongga, di ba? As in kapag nagkataon, bakbakan ng mga icons at award-winning stars ang magaganap sa MMFF 2023.
View this post on Instagram
Natapos na ang shooting ng “Pieta” at nasa post production na ito, sabi ni Konsehal Alfred. Kaya sana raw ay mapili sila bilang isa sa walong entry na maglalaban-laban sa taunang filmfest.
Nakachikahan namin ang aktor at public servant last Thursday, July 27, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City kasama ang kanyang kapatid na si Cong. PM Vargas. Sila ang producer ng “Pieta” at puro papuri ang nasabi nila sa naging experience nila working with Ate Guy
“Sana, sana, makuha kami. Ako ha, feeling ko, makabubuti ito sa Philippine cinema. Sana ‘yung filmfest this year, mayroong Nora, may Vilma, may Sharon. Sana, sana. Pero of course, wala naman sa atin ang desisyon. Sana, makapasok,” sey ni Konsi Alfred.
Baka Bet Mo: Alfred naging nanay, tatay, kaibigan sa mga kapamilya; tunay na superhero para sa kapatid
Samantala, natanong din sina Alfred at PM kung may natatanggap pa rin silang death threats ngayong pareho pa rin silang nasa puwesto. Matatandaang bago maganap ang eleksyon ay may mga pagbabanta sa kanilang buhay.
Ngunit sa kabila nito, itinuloy pa rin nina Alfred at PM ang kanilang kandidatura sa 5th district ng Quezon City, at pareho ngang nanalo, si Alfred bilang konsehal at si PM bilang kongresista.
“Wala nang pananakot pero naka-armored vehicle pa rin kami ngayon!” natatawang sabi ni Alfred.
Sey naman ni PM, “Nag-iingat pa rin tayo. Kasi alam niyo, pag nagkaroon na ng death threat na legitimate, iba na rin yung pakiramdam mo. It was the first time na nagkaroon ng ganu’n sa amin, sa distrito namin. Kasi tatlong ano ni Kuya, wala naman pong ganu’n.”
Nagkuwento rin ang magkapatid tungkol sa pagiging producer. Bukod nga sa “Pieta”, sila rin ang gumawa ng “Supremo” at “Tagpuan” na parehong pinagbidahan ng konsehal sa Quezon City.
View this post on Instagram
Sey ni Alfred, “Sa amin kasing magkakapatid, si Cong. PM yung negosyante. Siguro nababasa niyo naman sa credits, lahat ng prinodyus na pelikula natin, siya yung co-producer ko. So, malaki rin yung pasasalamat ko sa kanya, kasi nagagawa ko yung mga role na gusto ko.”
Chika pa ni Alfred, nag-o-audition pa raw siya kay PM para sa mga pelikulang pagbibidahan niya sa kanilang production company. Hirit naman ng kongresista, “Sa akin po, basta po si Kuya yung star, wala nang tanung-tanong pa. Basta si Kuya!”
“Sa creatives naman, he leaves it to the director and me. He trusts us. Sa kanya, more on the business side,” sabi naman ni Alfred.
Samantala, next elections, ipauubaya na ni Alfred sa kapatid ang pagiging congressman kaya wala nang swap na mangyayari, “He’s doing a good job, and panahon na ni Cong. PM. Happy naman ako na nakakagawa ako ng teleserye. Nae-enjoy ko!
“Yung nine years ko sa Congress, sobrang busy ko at stressed ako nun. Parang haping-happy ako ngayon, ayan, nakaka-attend ako ng GMA Gala. Tapos nakakagawa ako ng pelikula. Tapos yung mga teleserye ko, leading man ako ni Camille Prats.
“Buo na, hindi na yung pilot episode lang tapos pinapatay. Sa Unica Hija, mga ganu’n. Sa Legal Wives, di ba? Pero ngayon, happy ako.
“Feeling ko, nae-enjoy ko talaga yung panahon ko ngayon. I have more time with my family, lalo na on the way si Misis. Natututukan ko,” pahayag pa ni Konsi Alfred.
Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.