Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: 'Thank you, Lord!' | Bandera

Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’

Ervin Santiago |March 15,2023
facebook
share this

Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 01:23 PM

Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: 'Thank you, Lord!'

Gina Alajar, Nora Aunor, Jaclyn Jose at Alfred Vargas

TULUY-TULOY na ang shooting para sa pelikulang “Pieta” na pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor, Councilor Alfred Vargas, Gina Alajar, at Jaclyn Jose.

Ngayon pa lang ay abangers na ang madlang pipol sa nasabing pelikula na mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.. at ipinrodyus mismo ni Konsehal Alfred.

Makakasama rin sa “Pieta” sina Bembol Roco at Ina Raymundo at inaasahang ipalalabas sa mga sinehan sa darating na Mother’s Day kapag natapos ang shooting ngayong buwan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang actor-public servant ng black and white photo kung saan kasama niya ang tatlo sa mga iniidolo niyang mga haligi ng showbiz industry – sina Ate Guy, Gina at Jaclyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


“This might be one of the most iconic photos that I’ll ever be a part of.

“To be seated alongside three titans of Philippine Cinema … to be performing with them in PIETA… is a life’s honor,” simulang pagbabahagi ni Konsi Alfred sa caption ng kanyang IG post.

Pagpapatuloy niya, “Pangarap ito ng bawat artistang Pilipino. Pangarap ko ito kahit ako ay baguhan pa lamang noon. Natupad na ngayon! Thank you, Lord!

“I just feel so happy & blessed to be a part of the #PIETAmovie —a film that brings together National Artist & Superstar Nora Aunor @noravillamayor67 & our multiple best actress awardees in both local and international cinema, Ms @ginalajar & Ms @jaclynjose.

“Thank you, Direk @aalixjr, for giving flesh to our vision! Thanks for putting this together!” ang mensahe pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Adolfo Borinaga Alix, Jr. (@aalixjr)


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa mga netizens.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

“Wow! Proud po ako sayo kuya Alfred. The Best Deserve mong mapasama isa ka din po sa pinakamagaling na actor ng showbiz industry ng Pilipinas.”

“Wow!!! Astig Bro!”

“Powerful veteran actresses. Omg!”

Samantala, may nakapagsabi naman sa amin na talagang na-intimidate raw at inatake ng matinding nerbiyos si Konsi Alfred nu’ng mga unang araw ng shooting nila para sa “Pieta.”

Pero nang magtagal na ay nabawasan na ang nararamdaman niyang kaba at tensiyon. At sa wakas daw ay na-experience na ni Alfred ang tinatawag na “Nora Aunor magic.”

Ito yung sinasabi ng halos lahat ng nakatrabaho ni Ate Guy na mata pa lang ay pang-best actress na ang akting. Kaya naman talagang pinapangarap ng lahat ng artista na makatrabaho siya.

Alfred Vargas: ‘Kinilabutan ako, nai-starstruck ako kay Ate Guy! Isang Superstar pero sobrang humble!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending