Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: 'Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin' | Bandera

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’

Ervin Santiago |February 09,2023
facebook
share this

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’

Ervin Santiago - February 09, 2023 - 07:40 AM

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: 'Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin'

Gina Alajar at Alex Gonzaga

NAGSALITA na ang veteran actress at direktor na si Gina Alajar tungkol sa kontrobersyal TV host-vlogger na si Alex Gonzaga.

Sumailalim si Alex sa isang acting workshop ni Direk Gina noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz. Ito yung panahong kinuha siya ng TV5 para bumida sa seryeng “Babaeng Hampaslupa.”

Kaya naman natanong si Gina sa story conference ng bago niyang pelikula, ang “Pieta” kasama sina Nora Aunor at Alfred Vargas, kung nakatrabaho na niya si Alex.

Hanggang ngayon kasi ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pagiging pasaway ng sisteraka ni Toni Gonzaga na ibinuking ni Dina Bonnevie habang ginagawa nila ang isa pang TV series na pinagbidahan ni Alex, ang “P.S. I Love You.”

Sabi ni Direk Gina, “Si Alex Gonzaga, hindi ko pa siya nakatrabaho but I remember, winorkshop ko siya nang mga tatlong araw yata when Channel 5 was just starting and she was being launched for Babaeng Hampaslupa.”

Sa tanong kung hindi pa nag-attitude si Alex sa acting workshop? “As far as I can remember, wala naman.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Sundot na question namin sa premyadong aktres, magaling na ba si Alex sa acting workshop that time o kailangan pa talagang hasain?

“At that time, she was very raw. So…alam mo, ang tagal na, ilang taon na ba yun? More than 12 years ago, nag-uumpisa pa lang noon ang Channel 5, so hindi ko na maalala,” pahayag pa ni Direk Gina.

Wala naman daw siyang negative experience kay Alex habang wino-workshop niya ang TV host-vlogger, “I think nagawa naman niya nang tama yung Babaeng Hampaslupa. Kung nagawa niya nang tama iyon, siguro tama iyung itinuro ko.

“Meron naman siyang natutunan sa akin. She was able to learn something from me. So okay naman,” aniya pa.

Ate Guy umaming nagkasala kay Gina Alajar: ‘Pero napatawad na niya ako, isa siyang mapagmahal na direktor, artista at kumare’

Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gina Pareño nakiusap na bigyan uli siya ng trabaho: Baka kasi mauwi na ako sa mental nito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending