Gina Pareño nakiusap na bigyan uli siya ng trabaho: Baka kasi mauwi na ako sa mental nito! | Bandera

Gina Pareño nakiusap na bigyan uli siya ng trabaho: Baka kasi mauwi na ako sa mental nito!

Reggee Bonoan |July 19,2022
facebook
share this

Gina Pareño nakiusap na bigyan uli siya ng trabaho: Baka kasi mauwi na ako sa mental nito!

Reggee Bonoan - July 19, 2022 - 09:42 AM

Gina Pareño

NILINAW ng aktres na si Gina Pareño na wala siyang depression pero naiiyak siya kapag naaalala niya ang kanyang “malulungkot” days.

Ito ang sabi ng beteranang aktres at direktor sa panayam niya sa Ogie Diaz YouTube channel ng kilalang content creator at talent manager na kaka-upload lang habang sinusulat namin ang balitang ito.

“Para akong nagdadrama sa kuwarto iiyak, pero ngayon hindi na masyado. Ngayon mo nga lang ako napaiyak ulit, ah,” sabi ng premyadong aktres kay Ogie.

Hirit ni Ogie, “Iyakin ka talaga.”

“Hindi ako nahihiya sa ‘yo,” tugon naman ni Ms. Gina.

Sa kasalukuyan ay walang project ang aktres kaya nasa bahay lang siya at hindi rin siya pinakikilos ng mga anak niya.

“Wala (ginagawa), hindi man lang nila ako pinapagawa sa bahay, eh,” saad nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gina Pareño (@yourlolagets)


Tanong ni Ogie kung mahina na si Ms. Gina para hindi na pakilusin sa bahay nila. “Hindi, sabi ni Racquel (sabay turo sa harap), ‘malakas pa sa akin ‘yan,’” natawang sabi ng Ms. Gina.

Nagkaroon ng bisyo noon ang aktres pero wala na ngayon dahil totally changed woman na siya at ayaw na niyang ulitin sa edad niya ngayon.

Ang hindi lang niya kayang iwasan ay, “Sigarilyo. Hanggang mamatay ako, sigarilyo. ‘Yan lang ang kaisa-isa kong bisyo hindi ako marunong uminom, hindi ako nagsusugal, lagi lang ako sa bahay, oo nga ano ‘yun lang talaga ang bisyo ko. Happines ko ‘yun, hayaan mo na ako.”

Tinanong kung sinabihan siya ng doktor na tigilan na niya ang pagyoyosi, “Ayaw ko sa doktor- doktor, takot ako, uy!” mabilis nitong sagot.

Hindi ba siya nagpapa-check up? “Ayaw, takot ako. E, wala naman akong nararamdaman, mahal (tawag kay Ogie). Takot ako, isa ka pa.”

Nauunawaan naman daw ang aktres ng mga anak niyang sina Raquel at Michael kaya hindi na siya pinipilit pa.

Dating mananayaw at naging Dance O Rama Queen noon si Ms. Gina Pareño at enjoy na enjoy siya rito, “Yung pala mauuwi ako sa artista,” saad nito.

Sabat sabi ni Ogie, “Oy, sa mga hindi nakakaalam ha, si tita Gina ay nag-Darna rin nu’ng araw.”

“Oo nga, ang ganda ko pala no’n?” sabi ng aktres.

Balik-tanong ni Ogie, “Anong taon nga ‘yun?”

“Ewan ko bayad na ‘yun, eh. Ha-hahaha!” tumatawang sagot ng aktres na ikinatawa rin nang husto ng vlogger.

Mas nauna raw si Ms. Gina maging Darna kaysa kay Ms. Vilma Santos-Recto.

At dahil walang project ngayon ay sobrang nami-miss niyang makatrabaho ang aktres na si Dexter Doria, “Ang bait kasi.”

Sa mga batang artista sino ang nami-miss ni Ms. Gina? “Ang dami namang magagaling sa mga bata ngayon, eh. Nakakagulat ‘no, nakakaano (inspire) pag nakikita mong magagaling. Gustung-gusto kong nakikita, pinapanood ko. Kaya dumaRLrating (sa akin) ‘yung punto na, ‘sana ako rin kunin ako kasi ang gagaling.”

“E, kung si Lord naman ang kukuha sa’ yo?” seryosong sabi ni Ogie. “Ay hindi si Lord, ayaw pa niya.  Napakamaldito mo. Ha-hahaha!” sabay nagkatawanan ang dalawa.

Nalaman ding sinasaulo talaga ni Ms. Gina ang mga linya niya sa kanyang nga pelikula at teleserye dahil ayaw niya ng may take two.

“Iba kasi ‘yung first take, walang retoke ‘yun. Kasi kapag nag-take two ka na, malagihay (basa-basa) ka na. Kailangan sa akin advance ‘yung script. Unang-una sa edad ko, pangalawa kailangan kong isaulo lahat ‘yun.

“Halimbawa ibinigay sa akin ang script ng Lunes tapos isu-shoot (din) ng Monday, kailangan may time ka talagang aanuhin (isaulo) di ba? Kailangan namnamin mo (role). Ma-feel mo palang sa bahay na nagtsi-change ‘yung character mo, di ba?” paliwanag ni Ms. Gina.

Marami pang hindi nagampanan o nagawang role ang aktres pero okay lang sa kanya o kalma lang, pero gusto pa rin talaga niyang umarte.

“Kaya nga ako nagti-TikTok kasi (miss) kong umarte. Nakakaloka ang hindi umarte,” saad ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Emosyonal na sabi pa ni Ms. Gina, “Uy, alukin naman ninyo ako. Kunin naman n’yo ako. Sa kuwarto umaarte-arte ako ron, baka mauwi ako sa mental nito! Ha-hahaha!”

Gina Pareño ‘milyonarya’ na rin sa TikTok: Lahat ng comments sinasagot ko, naglalamay po ako

Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!

Ogie pinatunayan sa epal na bashers na bongga pa rin ang career sa ABS-CBN: Pasensya na po, matagal ‘to!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending