Alfred Vargas na-depress nang humarap sa salamin: 'Hindi ko nakilala ang sarili ko, parang gumuho ang mundo ko!' | Bandera

Alfred Vargas na-depress nang humarap sa salamin: ‘Hindi ko nakilala ang sarili ko, parang gumuho ang mundo ko!’

Ervin Santiago - July 24, 2023 - 07:50 AM

Alfred Vargas na-depress nang humarap sa salamin: 'Hindi ko nakilala ang sarili ko, parang gumuho ang mundo ko!'

Alfred Vargas

INATAKE ng matinding lungkot at depresyon ang actor-public servant na si Alfred Vargas nang dahil sa paglobo ng kanyang katawan.

Matindi ang pinagdaanang challenge ng konsehal sa District 5 ng Quezon City para lamang maibalik ang nawalang confidence at self-esteem because of his body.

Ayon kay Konsi Alfred, talagang gumuho ang mundo niya nang magising na lamang siya isang araw na hindi na niya kilala ang sarili matapos mapabayaan ang kanyang katawan.

Sa YouTube channel ni Alfred, ang “Vargas Tries, Pwede!” inamin nga niya na super na-depress siya nang malamang umabot na sa 251 lbs. ang kanyang timbang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


“May aaminin ako sa inyo, there was a time bumaba talaga ang self esteem ko, nagiba ang buhay ko. I was so depressed.

“Hindi ko nahalata isang umaga pagharap ko sa salamin kahit ‘yung sarili ko, hindi ko nakilala ‘yung taong nasa salamin. And doon parang gumuho ang mundo ko and doon parang iyon ang pinaka-wake-up call ko. Umabot na pala ako sa 251 lbs.,” pag-amin ng aktor.

Ang feeling daw niya noon ay ang tanda-tanda na niya, “Dati kapag nasa mall ako ‘yung mga tao tatawagin ako at lalapit pa sa akin, ‘Papa Alfred’ tapos lately medyo lumaki na ako, ‘yung iba hindi na ako nakikilala tapos ‘yung iba naman nakikilala pa ako pero ang tawag sa akin Tito Alfred na.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas umakyat ng ‘ligaw’ kay Ate Guy: ‘Sobrang kaba…inalok niya akong kumain ng buchi, ng pizza saka pancit’

“So what’s funny about this hindi ko nahalata, hindi ko namalayan na ganu’n na pala ang itsura ko. So, sabi ko dapat magbago ako and this time around nag-decide ako na I will not do this for vanity, I will not do this for projects, I will do this for my children.

“And para maipakita ko sa aking mga anak kung gaano ko sila kamahal by trying to live the longest that I can. Amd from 251 lbs now I am 201 lbs.,” lahad ni Alfred na tatlong taon din niyang naging struggle sa buhay.


Ipinakita niya sa kanyang first YouTube vlog ang ginawa niyang workout na  nakatulong nang bonggang-bongga sa pagpapababa ng kanyang timbang. Kabilang na riyan ang Parkour kung saan inalalayan ang aktor ni Kate Robles, isang single mom na may katulad ding problema ni Alfred at ni coach Raven Cruz.

Ang “Vargas Tries, Pwede!” ay regalo ni Konsi Alfred kasama ang kapatid na si Cong. PM Vargas sa Solid Friendship fans club na 18 taon na nilang kasama. Kaya ang tanong nila sa kanilang supporters, “Ready ka na ba? ACTV18!”

Sa kanilang YT channel ay pwedeng mag-request ang fans sa gustong ipagawa kay Alfred, “Nasubukan ko na maging tatay on cam, at ngayon off cam na rin. Nasubukan ko nang maging sundalong diwata at naging sireno na rin at naging bayani na rin ako. Pati ang paglilingkod pinasok na rin natin.

“Eh, ano pa ba ang gusto n’yong i-try natin? Maging driver? O maging magsasaka? Maging teacher, maging barangay tanod? O maging talk show host. Pwede?

“Samahan n’yo akong subukan ang iba’t ibang larangan dito lang sa ‘Vargas Tries, Pwede? Pwede!” ang pag-imbita ni Alfred sa kanyang YT channel na every two weeks ay may bago silang upload. Pero sa mga susunod na buwan, linggo-linggo na tayong makakapanood ng mga latest sa magkapatid na Vargas.

Alfred Vargas kinakabahan na sa gagawing pelikula kasama si Ate Guy; iiwas na sa mga plastik at nega sa 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alfred Vargas hindi lalayasan ang showbiz: Acting will always be my passion, it’s my first love, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending